Pages

Friday, August 28, 2015

A Letter For Miguelito Ruiz




(Lakas Maka-University Confession ng Story na ito. Haha. )

Hi sa mga Taga-UP, UST, FEU, etc.

An avid reader of your secret files here. Hehe.
Lalo na yung mga kwentong sparks.
:)





A Letter For Miguel (A Short Story)









Hi Miguel!

Kumusta ka naman? It’s been a long time. Ilan taon na nga ba ang lumipas mula ng magkausap tayo? I mean, yung pag-uusap na hindi nag-aaway. 2? 3? Shet, hindi ko na maalala.
Bakit nga ba sinusulatan kita ngayon? Wala naman. Well actually, na-mi-miss lang talaga kita. Kasi nga matagal-tagal na rin ang panahon na nagkasama tayo, nagka-bonding kasama ng mga kaibigan natin, nagbiruan, nag-asaran, nagbolahan, naglandian. Naglandian?! Hahaha.
Anyway, kaya talaga ako sumulat sa’yo kasi marami akong gustong sabihin na hindi ko magawang sabihin ng personal kaya nga eto at idadaan ko nalang sa sulat.
Isa ka sa mga lalaki na may espesyal na puwang sa aking puso. Siguro naman alam mo iyan. College pa lang tayo, crush na kita.
Naalala mo nung minsang nagkasabay tayo sa jeep? (Ay, malamang, hindi na. Tagal na nun eh). Kahit na matagal na tayong magkaklase, feeling ko doon kita unang napansin at naging crush.
Si Ro pa yung type mo nun. Eh ang kaso hindi ka niya feel. Tapos ako naman, may iba akong gusto noon.
Moving forward, so ayun na nga, inamin ko na rin sa sarili ko na crush kita. Kaso may girlfriend ka. Pero keri lang since crush lang naman ang nararamdaman ko para sa’yo eh. At marami ako nun! Nagkalat sila sa campus natin. Lalo na si Ano! Patay na patay ako dati don. Hehe.
Tapos nabalitaan ko nalang na break na kayo ni Ano. Mula noon, naging close na tayo. Laging nagiging magkagrupo sa mga class projects at activities, nagkakasabay kumain at umuwi, tapos pati yung mga barkada mo ay medyo naging ka-close ko na rin.
And then one time, bago dumating ang summer break, nagparamdam ka. Shet. Kinikilig ako, wait lang. Hahaha. Kaso kabi-break niyo pa nga lang kasi eh. Kaya hindi pa pwede at rebound ang peg ko.  So ang sabi mo sa akin, hintayin lang kita at mag-mo-move on ka muna just to be fair with me dahil ayaw mong isipin ko na gagamitin mo lang ako.
Dumaan ang summer break  at nawala ang komunikasyon natin. At dito ko rin nakilala si Ano. Niligawan niya ako at naging kami.
Pero since hindi naman natin siya schoolmate ay hindi mo alam na may boyfriend na ako. Hindi ko naman kasi kailangang i-broadcast sa lahat na may jowa na ako.
Sorry kung hindi kita nahintay.

Meryenda break at niyaya mo ako sa likod ng school para kumain. Ang sabi mo ilibre kita pero ikaw pa rin ang nagbayad ng kinain natin. Abnormal ka rin eh. Haha.
That night, you texted me. Medyo lasing ka yata non. You were saying na nakamove on ka na from Je.

Then one time, pumunta ka sa bahay. At dumating din dun si jowa, ayun nalaman mo na na may boyfriend na ako.
You texted me and you were quiet surprise about it. Hindi ko nga kasi sinasabi. Haha.
Ang sabi mo, SIX MONTHS. Ikaw naman this time ang maghihintay. Maghihintay ka sa akin ng SIX MONTHS. After that kung kami pa rin ay titigilan mo na ako.

Tuloy pa rin ang buhay natin bilang magkaklase. Madalas pa rin na nagiging groupmates tayo. Kahit yung ilan sa mga kaklase natin, nakakapansin sa closeness natin. But we don’t care. Oo aminin ko, kinikilig ako sa’yo. Kahit na may boyfriend na ako ay masaya ako kapag nagkakasama tayo. It was just you were too hard to resist. Shet.

Lumampas ang six months pero kami pa rin ni boyfriend.

At ikaw, nanatili ka pa ring single.

Graduating na tayo noon pero wala ka pa ring nagiging girlfriend. Assuming na kung assuming pero pakiramdam ko, gusto mo pa rin ako at umaasa ka pa rin. Kapal ng mukha ko noh? Haha.
Kasi naman po, guwapo ka kaya but you still chose to be single at pakiramdam ko ay mas nagiging close pa tayo sa paglipas ng panahon.
May mga times na nagka-clash tayo pero naaayos naman natin kaagad ang mga issues at madalas pa rin na magkasama tayo as teammates. We even had projects overnight at pakiramdam ko sa mga panahong iyon ay hindi lang kaklase’s kaibigan ang meron ako sa katauhan mo. You were more than a friend to me. Pero syempre, hindi tayo pwedeng lumampas sa limits natin.
Remember our trip to a certain province?
On that trip, my friends were giving me warnings about our closeness. Kasi nga may boyfriend na ako at ang tingin nila sa’yo ay playboy. At na-cha-challenge ka lang daw yata sa sitwasyon natin. Maaaring after mo ko makuha ay wala ka ng magiging pakialam sa akin. They kept on reminding me na may boyfriend na ako at hindi magandang tignan na maging close pa ako sa ibang lalaki.
Since my friends were against you, We talked using my cellphone na walang load. Haha.
After ko magtype, ipapasa ko sayo ang phone ko, babasahin mo then magtatype ka naman as your reply at muli mong ibabalik sa akin ang cellphone ko. Sa likod kita nakaupo noon kasi katabi ko ang bestfriend ko.

I am smiling right now upon remembering that scene on the bus while we were on the road. Oo na, kinikilig na naman ako! Bakit ba? Walang pakelamanan, feelings ko to eh. Haha.
Yun nga, napagusapan natin yung current situation natin. Na sobrang nagiging close na nga tayo. Na hindi dapat. And we see to it na hindi talaga tayo lalampas sa pagiging magkaibigan.
Then our graduation came. Akala ko matatapos na ang lahat. Since tapos na tayo ng college ay magkakaroon na tayo ng mga kanya kanya nating buhay. But I was wrong. Umakyat tayo ng bundok without my boyfriend’s knowing. Pasaway ako eh. Unfaithful. Haha.
Pero kasi sa mga panahong ito, nalilito na rin ako sa nararamdaman ko. Mahal ko si boyfie pero pakiramdam ko gusto rin kita. Shet, ako na talaga ang salawahan.
Sa bundok na iyon, parang naging tayo na ewan. Shet, nababaliw na talaga ako. Our friends cornered me. Kung gusto nga daw ba talaga kita. And I said yes. Yun nga lang, hindi pa talaga pwede. Dahil nasa eksena si boyfie at hindi ko siya kayang saktan at iwanan.
Ilang beses tayong umakyat ng bundok at ganun pa rin ang set up natin. Shet, while writing this, I feel so guilty. Pakiramdam ko ang sama sama ko.
We were both already working then.  Ako sa isang retail company habang ikaw naman ay sa finance.
Madalas pa rin tayong magkita-kita na magkakabarkada for a bonding at ganun pa rin. We’re still close na akala ng iba nating mga kaibigan ay tayo na. Pero hindi naman talaga.
We even went to Laguna with our magjowang friends. Para tuloy double date lang ang peg. Shet. Haha. It was overnight swimming then we went on a mini hiking on a nearby mountain. But then during that time I wanna thank you for being such a gentleman. You never took advantage of me. No holding hands, no hugs, no kisses. Just our presence. And I feel so much loved. Shet ang cheesy ko.

One time, hindi ako sumama sa bonding kasi nga I’m starting to refrain myself from you. Sobrang nalilito na ako sa nararamdaman ko. Kaya pinili ko ang hindi muna magparamdam sa’yo.
And our friends asked you. Kung mahal mo nga ba ako. And you said yes but we all know na hindi nga pwede. Shet talaga! Pinagsigawan mo sa mga kaibigan natin yang nararamdaman mo para sa akin. Paano ko nalaman? Malamang mga kaibigan ko rin sila at i-chichika nila sa akin yon. Hehe.
(Totoo nga kayang minahal mo ako noon? I’m not sure. Kung mababasa mo man ang sulat kong ito, I want to know the answer. Dahil kahit kailan naman ay hindi tayo nagkaroon ng confrontation eh. Mas madalas tayo sa actions na baka minsan namimisinterpret ko lang pala. Ewan ko. Pero kasi para sa akin, dama ko eh. Nararamdaman kong gusto mo nga rin ako noon.)
 Then one time, during one of our bonding moments with friends, dumistansya na ako sa’yo. You felt my coldness. Pero kasi, ito talaga ang dapat kong gawin eh. Naramdaman ko rin na medyo sumama ang loob mo sa akin non.
Then we became apart.
Kapag may mga lakad na ang barkada, lagi ng may invisible wall sa pagitan natin. You know what? I missed you big time from there! Kaya lang alam naman natin pareho that this was the right thing to do.
Hindi natin pwedeng ipilit ang isang bagay lalo pa’t alam natin pareho na may isang taong masasaktan ng sobra. At itong taong ito ay mahal na mahal ako and he’s loyal to me.
Nasaktan ako nang malaman ko na may nililigawan ka na at eventually ay may girlfriend ka na nga.
Yung sumunod na akyat sa bundok ng barkada, hindi ako sumama kasi kasama mo siya. I even refrain myself from looking at my facebook account dahil makikita ko doon ang masasaya niyong moments.
Shet, nasaktan talaga ako dun, promise! Kasi feeling ko, nakahanap ka na ng tao na mamahalin mo talaga at mamahalin ka rin. Yung tao na walang sabit at walang commitment sa ibang lalaki. Yung mas maganda at mas maputi sa akin. Yung no boyfriend since birth. And I thought that she was just so perfect with you. Insecurities overload ang nararamdaman ko noon.
Unti-unti na ring nag lie low ang communication at bonding natin noon. Kasi nga may girlfriend ka na.
At ako naman, tuloy pa rin ang buhay ko with my boyfriend.
There came a time na nag-outing tayo. Biglaang outing! Take note, pareho na tayong in a relationship nun but we just went out with our friends. Walang sabit. Hehe. At masaya ako during that time. Hehe. Shet, lumalandi na naman ang puso ko. Pasensya na.
Our friends kept on teasing us but we just don’t mind them. Ang mahalaga ay okay tayo.




Nagkakayayaan muli ang barkada na umakyat ng bundok. And this time, kasama na natin ang mga jowa natin. It wasn’t awkward for us dahil malinaw na sa ating dalawa kung ano ang meron sa pagitan natin. And that is JUST FRIENDS.
So the outing just went smoothly. You were with her and I was with him. Okay si girlfriend mo. I found her nice. Tahimik lang palagi, hindi makabasag pinggan and she is too good to be true. Para bang nakikita ko sa kanya si Maria Clara. Sobra niyang hinhin and I guess that you really had a good catch. I can feel na kaya ka niyang dalhin at kaya niyang ihandle yang pagiging dominante at may sapak mo minsan. Ikaw na! Oo nga pala, that climb was also your first anniversary.
And then later on, balak niyo nang magpakasal. Tumitingin na nga rin kayo ng bahay na matitirahan eh.

Sa mga sumunod pang bondings, lagi nang nasa eksena ang mga jowa natin and we remained as FRIENDS. TROPA. DATING KAKLASE. KAIBIGAN. And nothing more than that. Malinaw na sa atin ang lahat.

Until a major fight came between us.
Hindi ko na iielaborate. Alam mo na yon.
And to tell you honestly, sobra akong nalungkot noon. You unfriended me on fb at ang sabi mo, huwag na kitang kokontakin kahit kailan. Okay fine! Edi huwag!

And now I can’t remember anymore when that happened. Was it more than two years ago already? Ewan ko, nakalimutan ko na.

One thing is for sure right now. Na-mi-miss kita. Wala na kasi akong balita about you.

Ay, meron pala. Your bestfriend told me na break na kayo ni girlfriend mo.
Shet, bakit? Sumabay pa talaga sa akin. Haha. Break na din kasi kami ni Ken.

After so many years, finally malaya na ako.
Gusto kitang lapitan, kausapin para makapagbati pero hindi ko alam kung paano.
Until one time, para sana sa isang plano na reunion, nagkasama tayo sa isang chat box.
You said na okay lang sa akin ang sumama so sige sasama ako. Kaya lang that outing was cancelled. Marami tayong tokshit na kaibigan eh. Hahaha.
Akala ko pa naman, magkikita na ulit tayo kaso ayaw talaga tayong pagtagpuin ng tadhana eh. Hanggang chatbox nalang daw talaga tayo at hindi na tayo pwedeng lumabas doon. Haha.

Until now, hindi pa rin tayo nagkakausap. Ni hindi nga malinaw sa akin kung okay na ba tayo. Kung nakalimutan mo na ba yung naging pag-aaway natin noon.

Kaya kita sinulatan.
Gusto lang talaga kita kumustahin.
Yun lang yun.
Huwag mo ng lagyan ng ibang meaning.
Hindi na ako umaasa na may chance pa para sa love story nating dalawa dahil matagal ng tapos yon.
The moment na mas pinili ko pa rin ang boyfriend err ex ko over you, ay wala ng dapat pang asahan sa pagitan nating dalawa.
Hanggang Friends nalang talaga tayo.
Let’s not step out of the friendzone dahil hanggang doon nalang talaga ang kwento natin.

I also want to take this opportunity to say thank you to you. Kasi napagkakitaan ko ang kwento nating dalawa. Haha. I’m a contract writer already! Big thanks to our story. Hehe.

So paano, hanggang dito nalang ha. Masyado ng mahaba itong sulat ko para sa’yo.
Sana lagi mong tatandaan na bilang kaibigan, nandito ako para sa’yo.
At sorry nga din pala sa mga salitang nasabi ko noon sa’yo sa email. Pasensya ka na sa akin. Pero kasi bwisit na bwisit lang talaga ako sa’yo non. Pero wala na sa akin yon ngayon. Again sorry and sana peace na nga talaga tayo.
Hindi naman ako nag-eexpect na muli pang mababalik ang closeness natin tulad ng dati. What I just want right now is the truce between us. Iyon lang. Nothing more.
I wish you well and good luck to your career. Sana rin ay mahanap mo na ang tunay mong pag-ibig.
Mahal kita, Miguelito Ruiz.
:D
Bilang kaibigan syempre. Huwag kang ano diyan. Hehe.



Will always be here for you,
Jane Dela Merced
Aug. 28, 2015
11:36 p.m.
A Letter For Miguel



No comments:

Post a Comment