Pages

Friday, April 24, 2015

Rants of A Brokenhearted Girl

Rants of a Brokenhearted Girl


These are the rants since day 1 that my heart was broken up to the time when I was finally able to move on.
I hope this could help you.
Dito ko nilabas lahat ng lungkot, sama ng loob, galit, tuwa, realizations na nararamdaman ko during those times and through this rant ay masasabi kong nakamove on ako agad-agad! Hindi madali pero kung willing ka naman talagang bumangon muli ay magagawa mo naman.
So enjoy reading as I bare it all here.

P.S. sorry for all the harsh words that you could read here. Dispensa, tao lang na nasaktan ng sobra. 
P.P.S. hindi po ito everyday rant. There were times na the next two or three days or more than pa ako nagsusulat ng sumunod na rant so don’t be confuse. Nag-ra-rant lang ako pag trip ko o di kaya kapag feeling ko ay sasabog na ang dibdib ko or kapag feeling ko ay masaya ako.



Rant Day 1

Sorry na sa rant ko. Pero kasi sobrang sikip ng dibdib ko eh. Gusto ko lang ilabas at pasensya na dahil kayo ang napili kong paglabasan.
Hohoho.

Tangina! Seven years yun eh, seven years! Puta, itatapon niya lang yun dahil nahulog daw siya sa ibang babae. Shit lang talaga siya.
Ni hindi niya ako kinakausap tungkol sa nararamdaman niya o sa tinatakbo na ng utak niya. Ang alam ko lang, okay kami, mahal niya ako, loyal siya at tanggap niya lahat ng flaws ko. Kaso hindi pala. Hinahanap na pala niya lahat ng wala sakin sa iba. Life is really unfair. Ang ginagawa lang naman natin is yung magmahal ng tapat at wagas.
Ako naman to si tanga, isinasampal na sa muka ang mga dapat kong gawin o tanggapin pero patuloy pa rin akong umaasa. Kasi mahal na mahal ko siya. Yun yung nagiisa kong dahilan para kumapit pa rin.
“Kaya mo ba akong bitawan?”
“Nahulog na ako sa iba. Sorry.”
“Kasalanan mo din yan kaya nagkagusto ako sa iba. Naikumpara ko kasi siya sayo.”
PUTANG INA TALAGA.

Gusto ko na siyang i-let go. Pero ayoko pa rin talaga. Umaasa pa rin ako na  mababago pa yung isip niya. Na baka naguguluhan lang siya, na baka ako pa rin pala yung mahal niya. Na confuse lang siya kasi naging sunod sunod yung pag-aaway namin. Na babalik pa siya.
 Ang tanga tanga ko noh?!!
Mas okay kasing umasa, para matakasan ko yung pain. Kasi sobra talagang sumisikip ang puso ko pag naiisip ko na wala na kami. 
I so much hate this feeling.
Galit ako sa kanya pero mahal ko pa rin siya.

“Hindi na kita mahal, i-le-let go na kita.” Ginawa kong mantra ang mga salitang yan at paulit ulit kong sinasabi ko sa sarili ko yan. Pero alam ko naman na deep inside ay niloloko ko lang ang sarili ko. Pero malay natin, mag-work out siya at mapaniwala ko na rin ang sarili ko in God’s time. Pero sana naman yung God’s time na yun, wag matagal.  Ang sakit kasi eh. sobra. Ayoko ng tumambay sa pain na gaya nito. Pero wala akong choice but to live with this.
Wala pa rin akong gana kumain, taz di rin ako makatulog ng matino.
Hanggang kelan????!!! Namimiss ko ng kumain! Namimiss ko ng matulog ng 12 hours!

Am I not worth loving? 

*insert malakas na pagngawa at gabaldeng luha here*



Namimiss na kita. Pero alam ko naman na hindi pwede dahil ayaw mo. Ang tanga tanga ko shet! Putang ina ka talaga! Gusto kitang makita, makasama, mayakap pero hindi na pwede.  Ano bang gagawin ko sa sarili ko para makalimutan na kita totally?
Ang hirap eh. Putang ina, di ko napaghandaan ito. Pwede pala akong masaktan ng ganito. Na yung pinaminamahal ko sa buhay ko ngayon pwede pala akong iwan nalang ng basta basta.
Ang sakit. Ang sakit, sakit! No words can explain how much it hurts.


















Rant Day 2

Actually mukhang hindi na ito Rant. Haha. Kaya magdiwang tayo! Hahaha!

First of all, thanks Vanene! Kasi sinamahan mo ako kagabi te. Lahat ng katangahan na sinabi ko sa’yo, huwag mong gagayahin at huwag mo na ring ipagkalat. Hahaha. Huwag na huwag mo akong tutularan kahit pa na halos pareho lang tayo kung papaano magmahal. Hahaha.
Seriously, ngayon nakakatawa na ako ng maayos. Bumalik na rin ulit yung gana ko sa pagkain, nakakapagkape na ulit ako at gusto ko na ulit kainin lahat ng dati kong madalas kainin. As I woke up this morning, ang gaan na ng feeling ko.
“I WILL PRAISE YOU LORD, FOR YOU HAVE RESCUED ME.” Ito yung sayings na nabasa ko sa loob ng simbahan kagabi habang busy si Vane sa pagdarasal kay St. Pio. And this saying made me cry so much. God have rescued me from the wrong one. Siya na mismo ang sumampal sa mukha ko na tama na, iniligtas na kita mula sa maling relasyon na pinasok mo. Let him go. Don’t hope anymore na babalik pa siya sa’yo at kung sakali man na bumalik siya, huwag mo ng tatanggapin for I have rescued you already.

I already stop texting him. Sabi ko nalang sa sarili ko, “Awat na Cielo. Stop saying you love him. Stop hoping. Stop yourself from being tanga all over again. Sabi nga ni Vanene sa’yo, ang tanga tanga tanga mo. Tigilan na yan! You’ve done your best at wala sa’yo ang mali.”
Hindi na masyadong sumisikip yung dibdib ko pag naiisip ko yung nangyari and for me that’s a good sign already. :) Na kaya ko na pala. Na kaya ko na siyang bitawan. Na kaya ko ng mag-let go. And eventually, na kaya ko ng hindi siya mahalin in the near future. Cheers for me!
Thank you Papa God for the enlightenment. And thanks for the friends na heto at walang sawang nakikinig sa lahat ng hinaing ko.

I can do this, baby! Hahaha!
Promise, ang sarap talaga ng gising ko today. Nakatulog ako ng straight eight hours ngayon. 
At nakokontrol ko na ang sarili ko na huwag siyang i-text. I think it’s already a good start for me to move on. And this is already my choice, ang kalimutan na siya. 
Lez do this, one step up at a time.

P.S. Maybe you think na masyadong mabilis ang phasing ko. But this is the only thing that I think to ease the pain eventually. At yun nga ay ang i-let go na siya.  Seryoso Masaya ako ngayon sa naging desisyon ko. Nakatulong ng sobra yung paglalabas ko ng mga hinaing ko senyo o sa mga taong nasa paligid ko.

I just hope that I won’t stop here. I want to move forward further.













Rant Day 3

Last night, nagbreak down na naman ako. Not once but twice. Yung una sa loob ng C.R. dito sa office at yung pangalawa ay sa harap na mismo ng Diyos. I promised myself yesterday na magiging okay na ako. I didn’t even cry the whole day pero pagdating ng gabi, doon na ako nag-break down. While thinking about him, bigla nalang sumikip ang dibdib ko tapos ayun, tumakbo na ako papuntang C.R. para doon impit na umiyak. Nakakahiya kasing ngumawa may ibang nag-ccr.
After work, I went to St. Pio church at doon na ako sobrang umiyak while talking to God. I prayed na sana eventually mawala na yung pain. Okay lang kahit paunti unti basta ang mahalaga ay mawala na yung sakit so that I can go on with my life even without him. Kakayanin ko to dahil wala naman akong ibang choice. Ayoko ng magmakaawa ulit para lang magkaayos ulit kami. Tama na yung isang gabi na halos itapon ko na yung sarili ko sa kanya. That’s enough.
I finally decided to let him go. I texted him. NAKAPAGDECIDE NA AKO. BIBITAWAN NA KITA. SOBRA NA AKONG NASASAKTAN. YUNG IDEA PALANG NA MAY IBA KA NG MAHAL SOBRANG SAKIT NA. WAG KA NG MAGREREPLY, WAG KA NG MAGTETEXT, WAG KANG TATAWAG, BURAHIN MO NA RIN YUNG NUMBER KO. SALAMAT SA LAHAT. PAALAM.
 After I send that to him, I cried a lot and then nasabi ko nalang sa sarili ko. Finally! Makakamove on na ako kasi nagawa ko na siyang bitawan. Hindi na ako aasa para sa amin. I will just hope na finally, makakarecover na ako at unti unti ng maaalis yung pain na dinulot niya sa akin. I will also stop questioning myself kung ano ba ang naging pagkakamali ko.
I lose some but definitely I will win some. 
Kaya ko ‘to.
Acceptance is the first move. Let’s take is slowly dahil I know for sure that eventually, everything will be alright. Kakayanin ko ‘to. I was born strong so I can do this!
Yung pagmamahal na ibinuhos ko sa kanya, ibabalik ko lahat yon sa sarili ko. I will love myself even more now. And next time when I will be ready to fall in love again, I know now what to do, what to expect or what to hope for. Salamat sa lahat ng lessons na natutunan ko.
I will just keep myself busy from now on. Oo, naiisip ko pa rin siya pero tolerable naman na. Hindi rin ako bitter sa mga nakikita ko sa paligid o sa mga naaalala ko.  Definitely, I will be okay.
Marami na akong naka-line up na activities na gusto kong gawin in the near future.  I even made a new 2015 goals o parang bucket list. And I will make sure na magagawa ko ang lahat ng iyon. Tiwala lang.

 Today my life begins. 













Rant Day 4

Hays. *insert malalim na buntong hiniga here* I cried again last night. Hindi ko mapigigilan eh. Sumisikip yung dibdib ko so I have to cry it out.
I even looked into our pictures. Ang tanga ko lang ‘di ba?  Pero kasi naisip ko while doing this, mamamanhid na yung puso ko at next time ay hindi na ako iiyak. Madalas pa rin akong magpakawala ng sobrang lalim na buntong hininga but I have to do this. Para mawala lahat ng negative thoughts and energy sa katawan ko.

I want to create a poem that can eventually be a song.
TO THE ONE WHO BROKE MY HEART
This will be soon. Kapag nagka-drive na ako magsulat ulit. I promise. 

Today we will be going to Ilocos. I hope that when I got there and then pagbalik ko dito ay maging medyo okay na ako. I don’t want to feel the pain anymore although alam ko naman na imposible yon. Yung tipong hindi na sasakit yung dibdib ko kahit yun nalang muna okay na ako. I know eventually I will be fine. Just fine.
God, my family and friends are here for me. I don’t need him. I can live my life without him. 


Rant Day 5
I just got home from Ilocos and guess what I told to myself. I left my broken heart and brought a whole new one here in Manila. Sobrang ganda ng place at sobrang nag-enjoy ako sa bakasyon na iyon. I always used to think of him pero hindi na siya ganun kasakit.  Hindi na rin nagsisikip ang dibdib ko at hindi na rin ako umiiyak. I finally let him go. Hindi na masyadong masakit yung pain. Maybe because I finally decided to let him go.
Hindi na ako umaasa na babalik pa siya or there still will be chance for both of us. Nadala na nga yata talaga ako. Sobrang sakit kasi ng nangyari that the pain is truly indescribable na  ayoko ng maulit maranasan sa kanya.

This day, Mar. 23, 2015 he texted me. Nangungumusta si gago. Nung una, lumakas pa yung heart beat ko maybe because mahal ko pa siya. Pero pagkatapos ng usapan, sobrang saya ko! As in! Na parang ang gaan gaan na ng feeling ko na kaya ko na siyang kausapin ng ganun.
I told him na sobrang ok na ok na ko. And gago siya dahil tatlong araw akong hindi nakakain at nakatulog ng maayos. But I’ve moved on! Mabilis oo. Dahil ayokong mag-stay at tumambay sa sakit na idinulot niya. He caused me too much unbearable pain. But luckily, through God and with the help of my friends, I finally recovered. Araw-araw ko ng kinakausap si God. This heartache made me much closer to Him. Si God na nga lang siguro yung faithful and loyal sa mga naniniwala sa Kanya. Masyado lang akong nabulagan ng makamundong pagmamahal kaya huli na ng marealize ko yun. Na ang tao pala na katulad ng walang kwenta kong ex-boyfriend ay pwedeng magbago sa isang iglap lang. May nagawa lang ako na hindi maganda, ayun, naghanap na ng ibang mamahalin. Hahahaha. Tang ina niya! Magsama sila ng babae niya at naway maging miserable este Masaya sila. Hahahah. Bitter much.
I also said to him na hindi ko siya mapapatawad. Maybe not now. Pero malay natin, time will come. Na kasabay ng pagkawala ng pagmamahal ko sa kanya, tsaka ko na din siya mapapatawad. Ang labo ko talaga. Tsk! Tsk!
I have also done reading the book of Alex Gonzaga. Sobrang korek ng mga sinasabi niya at super tagos talaga that all she said, I want to imply it on my life.
Like the standards that we should set for the One, our relationship with God, and the daily mantra.
HINDI NA KITA MAHAL, NI-LET GO NA KITA.  That’s mine. Konti nalang mapapaniwala ko na ang sarili ko. And I have just succeeded the first step.  (texting him with no more pain) Hooray!
I don’t know kung pinaplastic ko lang ba ang sarili ko. Pero mas mabuti na yung ganito kaysa naman maging miserable pa rin ako. I’ve done my part. Nagmakaawa ako sa harap niya but he let me go away. Hindi ako pwedeng maghintay at umasa ng matagal para lang magdecide siya kung itutuloy pa ba o hindi na ang relasyong ito.
May dignidad din naman ako. Tama na yung minsan na niyang naapakan yung pagkatao ko. Ayoko ng magpakababa ng ganun ulit. Babae tayo eh at mahal tayo ni God. No one should look down on us. We are precious, we are rare at grabe talaga tayo magmahal. Yung mga putang inang lalaki na iyon ang may problema kung bakit hindi nila tayo mapahalagahan.
Haays. Bakit ba sobrang complicated ng love? And love really damn hurts.
 Promise Papa God, kapag sobrang okay na ako at hihiling ulit ako ng lalaki sa’yo, magiging specific na ako and I will stick to my standards.
Sa ngayon kasi hindi ko pa naiisip ang bagay na ‘yan. Ang gusto ko lang ngayon ay pagtuunan ng pansin ang sarili ko at ang mga bagay na gusto kong gawin o marating. Yung about sa lovelife ko, ikaw na po ang bahala. I surrender everything to you now.  Kung ano man po ang ibibigay mo sa akin, maluwag ko pong tatanggapin yon kasi alam ko na ngayon na kaya ko na ang isang uri ng napakatinding sakit. And that is heart break.
Kung tutuusin, I’m still lucky enough. Kasi may mga tao sa paligid ko na alam kong mahal na mahal ako. Like YOU, my family and friends. Isa pa, I am healthy, walang malalang sakit at pati na rin ang mga mahal ko sa buhay. Okay na okay na ako dun.

And I am so excited for this new chapter in my life dahil marami akong gustong gawin na nararamdaman kong magagawa ko na SOON! Yehey! Cheers!
Thank you so much Papa God.





Rant Day 6

For two consecutive nights I dreamed about him. Syempre nakakainis yun kasi nga kinakalimutan mo na siya eh tapos bigla bigla siyang susulpot sa panaginip ko. Bwisit lang! I don’t know what it does mean dahil ang mga panaginip ay walang sapat na basehan. Pero ayon sa mga nabasa o narinig ko, kapag napanaginipan mo ang isang tao, meaning iniisip ka nila or either the other way. Ako, hindi ko ikakaila na lagi ko pa rin siyang naiisip. Halos minu-minuto nga eh. Pero bakit pati ba naman sa panaginip ay siya pa rin? Pwede bang ibang tao nalang ang mapanaginipan ko instead of him? Nasasaktan na nga ako kapag gising, pati ba naman sa pagtulog? Grrrr. But anyway, wala naman akong magawa about that.

As of this day, medyo nabo-bothered pa rin ako sa ginawa niyang pag-text sa akin kahapon. Na sana talaga ay hindi nalang siya nag-text! Bwisit lang talaga! Buti nalang talaga, hindi na ako naiiyak ngayon everytime I think of him. Nandon pa rin yung pain pero hindi na ganun kalala na habang sinusulat ko yung Rant day 1-4 ay tumatagaktak ang luha ko. Good thing for me here is hindi na ako naiiyak. That maybe it means na tanggap ko na talaga. Na wala ng pag-asa for us. The mere fact na may mahal na siyang iba, meaning wala na talagang pag-asa. Kasi ‘di ba dapat, makukuntento lang siya sa akin. Na dapat loyal siya, faithful at ako lang ang mahal niya.
Masyado siyang cheater at playboy at hindi niya deserve ang pagmamahal na sobra sobra kong binibigay. I deserve someone else na mas mahal ako at yung hindi naeexpire yung loyalty and love for me.  Maybe he will come at the right time. Pero sa ngayon, I want to focus on myself first at sa mga bagay na gusto kong i-try gawin. 
Mamaya pupunta ako ng church, kakausapin ko ulit si God para ma-clear na yung mind ko. Gusto ko na ulit magkaroon ng peace of mind. Gusto ko na ulit magsulat ng mga nobela pero sa ngayon kasi wala pa talaga akong drive kaya puro rant lang muna ang naisusulat ko.
I will come back soon to my passion and I promise that I will be much better! Aja!

WHAT IF HE COMES BACK? WILL I STILL ACCEPT HIM?
As of now, I still don’t know the answer to this question. Ayoko ng umasa. Ayoko ng masaktan.
Love myself first. 


Madalas ko pa rin siyang maisip. Lalo na yung naging last conversation namin. Siguro nga umaasa pa rin ako. Pasaway na puso ‘to! Kasi as of now, malaki pa ring yung pagmamahal ko para sa kanya. Actually, namimiss ko siya. Gusto ko siyang makayakap katulad nung nasa panaginip ko. But that would be very impossible right now. Kasi nga wala na kami. Binitiwan ko na siya at iyon na ang desisyon ko.
Pero I know that time will come, mawawala na rin itong natitirang hope sa puso ko for us to be together again. Sabi nga ni Thirdy, konting tiis nalang makakaraos rin ako sa paghihirap na ito.
Ako pa! Eh lumaki akong matiisin. Makakamove on rin ako. Let’s just make it a time. One step at a time para hindi ako lumagpak at mag-back to zero na naman. Ayoko ng ngumawa at magsikip ang dibdib. I can do this, baby! Tiwala lang talaga. 
Iisipin ko nalang na kaya ko nga siya binitiwan ay para makaalis na ako sa sakit. I should let him go for me to move on.
Pero yung pagpapatawad para sa kanya? Mukhang Malabo pa yun sa ngayon. Siguro kapag hindi ko na siya mahal baka dun ko palang siya mapatawad. Sa ngayon kasi, inaaccept ko palang yung katotohanan na wala na talaga kami. Hinay hinay lang bebe. Darating din tayo diyan.
My boss saw me under my working table, crying. Nakakahiya. But I promised to myself that this would be the first and last na mangyayari ito.


END OF DAY 6















Rant Day 7
LONELINESS. This is what I am so much feeling right now. Pakiramdam ko depress na depress ako. Punong puno ako ng kalungkutan. Gusto kong maging Masaya but how?
Kagabi after ko sa office, I went to St. Pio to talk to God. Luckily, hindi ako umiyak habang kausap siya. Sinabi ko lang lahat sa Kanya lahat ng hinaing ko then umuwi na ako.
But as I woke up today, I finally realized and acknowledged what I am really feeling right now and that is loneliness. Bakit ko ba kailangang maging malungkot? Dahil wala na kami? Dahil hindi na niya ako mahal? O dahil mahal ko pa rin siya at medyo umaasa pa rin ako magkakabalikan pa kami?
At this point of time, mukhang kalaban ko ang puso ko. Sabi ng utak ko tama na. Enough is enough. Set him free, let him go, be happy! Pero sabi naman ng puso ko, I can’t do it. Kasi nga sobra ko pa rin siyang mahal.
Pero wala naman na akong choice kundi ang mag-move on since I already let him go. Bakit ko pa kailangang dumaan sa matinding depression ngayon? Can’t I just be happy na lang? Yung wala ng pain and this damn loneliness?
Ayoko ng ganitong feeling. Parang mababaliw na naman ako.

Tiwala lang talaga. Makaka-move on rin ako. Tiis tiis lang muna ngayon sa depression. Daan ulit ako mamaya ng church pag-uwi galing office tapos tatambay sa Eastwood park. Gusto kong gumawa ng kanta or tula.

END of DAY 7

Rant Day 8
Last night, I talked to God again, saying to Him all that I am feeling right now. Na nilalamon ako ng matinding depression at matinding kalungkutan.
But I know for sure na makakaalis rin ako sa moment na ito for HE is with me.
Umupo ako sa park ng mahabang oras. Kahit pinapapak na ako ng lamok, carry lang. Nakagawa ako ng isang tula na balak kong lapatan ng musika kapag marunong na akong mag-piano. 
Here it goes…
To The One Who Broke My Heart
To the one who broke my heart
Thanks for tearing me apart
I’ve become stronger,fiercer and wiser
And most of all I’ve become better.

I’ve cried enough upon losing you
I broke down, gone crazy because I’ve loved you
More than anyone else in this world
The pain cannot be described of any word

I even hoped for you to come back
I even lose my own track
But I’ve come to my senses and realized
I maybe just had these blind eyes.

Thank you so much for all the memories
To those wonderful hopes and dreams
Everything may come to its end
I’m now okay,though it’s still a pretend

I maybe hurt but I learned a lot
And I won’t regret for loving you that much
For I became happy once in awhile
So I think this is good bye.

God is with me as I am healing
All the wounds that you’re giving
I will rise up again standing so tall
The pain that I wept will end after all.

I will be better soon that’s a promise
I will bear the pain and I wouldn’t miss
To be with the wrong one again
For I will fall in love (this time) with the right one all over again.

To the one who broke my heart….
Thank you so much…

So that’s it!
Sa isang upuan ay natapos ko ang tulang iyan habang nagpapakalunod sa lahat ng kanta na nasa mp3 ko.
Matatapos rin ang kalungkutan kong ito, isipin ko nalang na mas maraming tao ang mas mahirap ang pinagdaraanan kaysa sa akin. I am still lucky enough.

END OF DAY 8


RANT DAY 9

 I cried again so much last night. Kasehodang nasa gitna ako ng park na maraming tao ang nagkakasiyahan ay walang habas sa pagtulo ang aking mga luha. Inalala ko kasi lahat ng sacrifices at paghihirap na ginawa ko para sa kanya na itinapon niya lang lahat sa isang iglap.
Naaawa ako sa sarili ko. Naging super tanga at martir ko. Sa aming dalawa, ako talaga yung pinaka mas nag-invest and in the end, ako lang din yung nalugi.
Tanga nga kasi ako. Ang tanga tanga ko.

Today he texted me. SANA MAKAHANAP KA NG TOTOONG PARTNER MO.
Gago ka!

Gusto ko siyang murahin ng paulit ulit dahil kulang pa yun sa lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin. I really hate him so much to death. Sana hindi siya maging Masaya. Sana maging miserable ang buhay niya at sana marealize niya lahat ng magiging loss niya ngayong wala na ako sa buhay niya.
Hindi na nga niya kasi ako kailangan kaya madali na para sa kanya ang bumitaw. Tangina niya lang talaga!
Hindi na ako iiyak! Promise!

END OF DAY 9






Rant Day 10
It’s been awhile since I wrote my rants here.
Guess what? I found love on an unexpected place. God really loves me. No doubt on that.
Last Saturday, I went to a certain place to be a tutor volunteer. As I went there, I didn’t expect anything in return kasi ang gusto ko lang talaga is ma-experience kung paano ba ang maging volunteer. And I guess my decision is quite right.
I had this kid named, Alyssa Mae or AA as her nickname. She’s an out of school youth.
Sobra sobra yung love na ni-return niya sa akin after ko siyang basahan ng story at turuan. I so much love her na talaga at umaasa ako na sana in the future mas marami pa akong bata ang maturuan at mayakap.  Sobrang heartwarming lang talaga nung nangyari and it was such an unforgettable lifetime experience for me. Na mas marami pa palang tao ang deserving para sa pagmamahal ko. Yung mga taong sobra kung maka-appreciate ng mga maliliit na bagay na kaya kong ibigay sa kanila. Actually for me, small thing lang yung nagawa ko pero for them sobrang laki na pala nun and they are so appreciative about it. Small things really do matter. This experience is really an eye opener for me.

The following day is Sunday.
I chose to shut myself on my room for the whole day to think things all over. Nag-music ako ng mga moving on songs and some of them were suggested by Alex Gonzaga. Yeah, I have read her book and it helped me a lot. Nung una, ayoko pang tanggapin lahat ng sinasabi niya but then eventually, inaabsorb ko na rin lahat. 

I also read this website, heal my broken heart, steps to heal of Amelie Chance and it really helped. Her daily email to me is a daily blessing. 
So ayun na nga, after that whole boring Sunday, I finally made up my mind. And that is to stop thinking about him and divert my attentions to other “sense-full” things.

Monday came. Back to work and I may say that this day is a whole lot different from the previous days.
I stopped thinking about him all the time, mas iniisip ko na ngayon yung mga bata na nangangailangan ng tulong ko. I want to help more in the future. Iniimagine ko na rin ang sarili ko na nasa kalye at tinuturuan makapagbasa and some moral values ang mga street kids. 
My whole day has been so busy thinking those kinds of things.
Then after work, I went again to St. Pio church not to wish anything but just to say Thank you. As in super thank you lang ako ng thank you at masaya ako.

Until now, I felt so much joy deep within my heart. Hindi lang siya basta happiness na mabilis mapawi eh. Super joy talaga yung nararamdaman ko. Upon seeing those happy kids plus my family and my happy friends, I feel so complete already. Sila lang sapat na. 

Then Monday night, my normal sleep routine has been back to normal.
Yehey! Nakatulog na ako ng 12 hours. Hahaha. Tapos yung tipong kapag naalimpungatan, you will still feel sleepy and be able to get back to sleep again. Yay! I experienced that once again. These past few days kasi, once I opened my eyes from sleep, despite of the time ay hindi na ulit ako makakatulog and will start thinking about him again.
PERO HINDI NA NGAYON! Yay! Thank you Lord. I praise you for this blessing.
Yeah, this break up, I already considered it as a blessing. Kasi marami itong pinamulat sa akin. Na marami pala akong pagkakamamali at katangahan while inside that seven year relationship na ngayon ko lang narealized.
I really deserve someone or something better. Tanga ko lang kasi I settled for the least. Hahaha. (least talaga.)
May mga times pa rin na nalulungkot ako but then keri lang! Kasi hindi na ganun kasakit yung pain. Tolerable na siya at mas iniisip ko nalang palagi yung brighter side of the story.
Amelie Chance also adviced me to write down three happy thoughts every day. So that the ratio would be 3:1. Three positive things versus one negative thing and it helped me a lot. 
Sobrang daming bagay na maaaring mapasalamatan pala over those few things na iniiyakan natin.
Then kapag nakakaramdam pa rin ako ng kalungkutan, I go to her fb page to read some posts there. Yung The happy gym 

Last night I really had a great laugh with my friends (booklat friends-my co-writers). Sumakit yung tiyan ko kakatawa and it really feels so great na kahit hanggang ngayon na paggising ko ay ang saya saya ko pa rin. Maybe because I found my joy already and fortunately it doesn’t relay on him anymore. 
I love the people around me so much!
Thank you, God.
Gusto ko na ulit mag-volunteer. So excited for the coming days! 

END OF DAY 10

RANT DAY11 – I just want to thank GOD for everything. Happy Easter! 
End of Day 11

RANT DAY 12

He texted me once again and I hate myself more for my own reaction. Para akong tanga na nanginginig at nilalamig. Seriously, what’s wrong with me? Then after that, I cried again. So bullshit, isn’t it?
Nagagalit siya sa akin kasi kung anu-ano daw sinasabi ko kay Julia (pinsan niya). Like hello?! Si Julia kaya ang unang kumausap sa akin. Ang gago niya lang talaga. Sana hindi nalang siya magtetext kung wala rin namang kwenta ang mga sasabihin niya. Nagmakaawa na rin ako na sana huwag na niya akong kakausapin. At least not now dahil nahihirapan pa rin ako mag-cope up. My life without him is not that easy to adjust. Sinasanay ko pa ang sarili ko sa mga sandaling ito. It’s been only three weeks since we broke up. Sana naman ibigay niya sa akin yung panahon na kailangan ko para tuluyan na siyang makalimutan. Hindi yung para siyang tanga na susulpot sa buhay ko kung kelan niya lang gusto. Ang gago niya lang talaga. Bwisit siya, magpakamatay nalang siya!
I talked to God (na lagi ko namang ginagawa) saying na sana batukan niya yung gago kong ex. Let me move on kasi as of now, unti unti pa lang na nawawala yung pain. Pero yung love for him? Syempre nandito pa rin at hindi naman basta basta mawawala yun eh. Minahal ko siya over my life or anyone else in this world so understandable naman siguro yun why I am feeling this way right now. All I need is time to finally let go of my feelings for him.

END OF DAY 12



Rant DAY 13
 The date today is April 13, 2015 and it’s been exactly a month since the day my heart gets broken.

What else can I say eh halos lahat na yata ng klase ng rant ay nasabi ko na for the whole month. Hahaha.
Anyway, let’s talk about what I am feeling right now.
First, it’s a good thing na hindi na siya nagpaparamdam sa ngayon (na hopefully ay magtuloy tuloy lang) so my process of moving on is currently going smoothly. Sometimes pag naiisip ko siya, hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot and there’s still hope in my heart. But when I came to think more deeper, parang hindi ko na rin yata kaya ang pabalikin pa siya ulit sa buhay ko.
He just used me. He needed me that’s why he loved me and remained on my side. Yun na yung mas tumatatak sa isip ko ngayon.

RANT DAY 14
Hola! It’s been one month and 9 days since I received my most special blessings. And that is the heartbreak that I got from my stupid ex boyfriend. 
It’s been a while since I ranted kasi nga wala naman na akong dapat pang i-rant because I am currently living happily. Masaya na ako. Sobra. I became closer to God, to my friends that I once took for granted and to my family, mas naappreciate ko na ngayon ang presence nila sa buhay ko.
Wala naman na akong dapat pang ipag-rant about my love life. Okay na ako ngayon. Although may mga times pa rin na naiisip ko siya then bigla akong malulungkot. Then may mga times na naaalala ko yung mga moments namin pero napapangiti nalang ako. And I already forgot the date kung kailan ako umiyak sa kanya. The last thing I remembered that I cried was last week pero hindi dahil sa kanya but sa koreanovela na pinapanood ko. Hahaha! Silly me.
Then nowadays, I came to think about of different boys na. Hahaha! Lumalandi na yata ako. Pero mabuti na rin yon at least hindi ko na siya naiisip ng bonggang bongga. Kung napupuyat man ako kakaisip, at least patungkol na sa ibang bagay.

Hahaha.
P.s. According to my source, Miguel is single now at brokenhearted din gaya ko. Ewan ko lang kung totoo. Well, wala lang! hahaha!

END of DAY 14


Rant Day 15
Hello there!
Sabi ni Alex Gonzaga, one of the signs na totally naka-move on ka na is makakagawa ka ng libro kagaya niya. Well, well, well, kung susumahin na ang lahat ng writings ko, eh pwede na! So it means, naka-move on na talaga ako, totally! Yehey!

Again, I just want to say thank you kay God kas mas naging close kami nowadays. To my friends na walang sawang nakikinig sa mga rants ko at lagi akong pinasasaya, to my family for understanding me, to my workmates, to my boss, sobrang thank you lang talaga.
I am so grateful for having all of you around me.
Right now, sobrang busy na ulit with my novels and pending manuscripts. I am so much back on track. Ang dami na namang ideas na pumapasok sa utak para isulat. Syempre may mga kabitteran pero may mga kasweetan din naman. I will be forever hopeless romantic no.
Ang sarap sarap kayang mainlove! Kahit sa mga novels lang.

Pero sa totoong buhay, hmmmmm… We’ll see!
Hehe, as of now, masaya naman ang crush life ko. Hahaha! I tend to think of other cute boys na. Hahaha. One time pa nga, napuyat ako kakaisip kay Miguel Hehe. Sino si Miguel? Secret!!!
Hahaha.

End of Day 15


No comments:

Post a Comment