Pages

Saturday, October 5, 2013

Sayang



“Sino pang sasali sa dance project?” Minsang ulit pa ni Ms. Cruz sa tanong niya sa kanyang mga estudyante. 
Pero wala ng sumagot.

“Huy best! Di ka ba talaga sasali?” tanong kay Winny ng kaklase’t kaibigan niya na si Dina.
“Ayoko. Kayo nalang. Sa props nalang talaga ako.” Tanggi naman niya.
Bakit nga ba ayaw niyang sumali although sumasayaw naman talaga siya?

Kasali kasi sa sayaw na yun ang boyfriend at kaklase rin niya na si Alex kaya medyo naiilang siya na makasama ito sa mga practice.
One month pa lang silang mag-on nito kaya medyo naiilang pa siya sa kasintahan.
Flashback….
“Best, crush mo ba talaga si Alex?” tanong sa kanya ni Dina. Nasa bahay sila nito at pinaplantsa nito ang buhok niya habang nakatalikod siya.
“Ano ba ‘tong bahay mo, walang salamin.” Sinubukan naman niyang ibahin ang usapan.
“Sus! Hindi nga crush mo si Alex noh?”
“OO na!” Pag-amin naman niya.
“Bakit mo naman siya naging crush?”
“Eh, guwapo kasi siya. Tsaka kahit transferee lang siya, napaka friendly niya.”
“Talaga? Crush mo ‘ko?”
“Ay, tipaklong!” Nagulat siya ng mabosesan kung sino ang nagsalita. Hindi nga siya nagkamali ng akala dahil pagharap niya sa kaibigan na busy sa pagpaplantsa ng buhok niya ay nasa likod naman nito si Alex. “Ba-bakit nandito ka?!”
“Pinsan ko si Dina. Crush din kaya kita.”Nakangiti nitong imporma sa kanya.
Ng araw ding iyon ay naging sila. Pumayag siyang maging officially on sila.
End of Flashback.

Lumipas ang dalawang buwan ng pagpapraktis.
Tuwing PE time ay nahahati sa dalawang grupo ang 4th year -section Matikas.

Magmula rin ng mahati sa dalawang grupo ang kanilang klase ay lumamig ang pakikitungo sa kanya ng kasintahan hanggang sa mabalitaan na lamang niya na may iba na pala itong pinopormahan.
Si Dina pa mismo ang nagsabi sa kanya.“Best, ang sweet sweet nila lagi sa plaza lalo na pagkatapos ng practice.”
“Wala naman siyang sinasabi sa akin.” Malungkot naman niyang sagot dito.
“Syempre, hindi naman magsasabi yun noh! Binalaan na kita noon, sabi ko naman sa’yo playboy talaga yung pinsan kong yon.”
“Pero mahal ko siya, best!”
“Dapat kasi hindi mo binigay lahat.”
“Wala na kong magagawa. Nabigay ko na eh.” Hindi na niya napigilan ang pag-iyak.
Niyakap na lamang siya ni Dina. “Kung ako sa’yo. Ikaw na mismo ang makipaghiwalay. Mukhang gustong gusto niya talaga si Alisa. Nililigawan na niya ito.” Tukoy ni Dina sa isa pa nilang kaklase.
Sana, sumali nalang ako sa sayaw para at least nabantayan ko siya.” Patuloy lang siya sa pag-iyak. “Sayang talaga…”

Mula ng mapagdesisyunan na niyang makipaghiwalay kay Alex ay araw-araw nalang mugto ang mata niya sa tuwing papasok ng skwelahan.
“Di bale, ilang buwan na lang naman kami magsasama. Sa Manila na ko magka-college. Makaka move on rin ako.” Paalala na lamang niya sa kanyang sarili everytime na maalala ang binata.

-wakas-




No comments:

Post a Comment