Pages

Saturday, October 12, 2013

Perslab



Buhay tinedyer ay masaya’t nakakalito
Sa bawat event at turning points nito
MInsan exage ang reactions at sobrang drama
Akala pa yata’y siya ang bida sa mga telenobela.

Parents,barkada at projects ang laging issue
Magpapahuli ba naman ang lovelife mo?
Magsisimula sa crush crush hanggang ligawan
Kaya ayun, perslab ang kinahahantungan!

Love letters, pictures at iba pang memorabilia
Nilalaman ng shoebox na restricted pa sa iba
Inspired ang peg pag sweet at walang away,
Pero ‘pag  nagbreak, ayun desperado ng mabuhay. (ang OA!)

Minsan lang tayo maging teens kaya sulitin
Ngunit ang limits natin ay di dapat sagarin.
Perslab doesn’t need to be the last mga ate
At mga kuya, be a Man rather than a Boy, ansaveh?!


No comments:

Post a Comment