Pages

Saturday, October 5, 2013

Awkward Story #5: Supposed to be Lovers (Daryl and Jamie)




“Puerto Galera, here we come!” masayang post ni Lira sa kanyang FB wall.
They will be going to Puerto Galera this coming weekend with her former college friends.
“Haha! Good luck sa’tin!” comment ni Jamie sa ipinost ng kaibigan.
“Good luck SA’YO, friend!” sagot naman nito sa comment niya. She knows what she is talking about.
“I don’t care kung kasama siya, basta ako, happy lang!”  muli niyang sagot.
And Lira knows whom she is referring to.
------------------------------------------------
Puerto Galera.
They were seven in the group. At sa kasamaang palad, everyone has their  own partners except Jamie. Kasama ni Lira ang childhood boyfriend nitong si Jack.
Si Vanessa ay kasama naman ang foreigner boyfriend na si Justin. Si Nestor kasama ang kanyang asawa ng si Rose na classmate din nila noon. Si Daryl naman kasama ang bagong girlfriend na si Sheena. While her, came in this very beautiful place alone.
So what if she’s alone. She enjoys being single! It’s been six months and she’s happy without having any commitment with anyone.
“We’re here!” imporma niya sa mga kasama.
“We know,” basag ni Lira sa trip niya.
“Oh shut up, frenemy! Walang basagan ng trip! Dahil ako lang ang walang partner, let me be your tour guide, financial manager and muse…”litanya niya.
“Oh, siya ikaw na ateh! Good luck sa career!”  natatawang sabi ni Vanessa sa kanya.
--------------------------------------------------
They spend their first day at the beautiful island doing different activities like snorkeling, playing beach volley, swimming at siyempre food trip.
At the end of the day, they went on a bar for a night life.
Every couple are busy with their partners at hindi maiwasang may makaramdam ng terminolohiyang  Out of place sa kanila.
Ang masaklap pa nito, hindi lang simpleng OP ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon but also

Awkward…….

Why awkward?

Dahil sa lovers na mas malakas ang epekto sa kanya compare to others.
They are Daryl and Sheena.
Daryl has been her suitor way back in college. Mahal niya ito but she chose na huwag itong sagutin at si Erik ang sinagot niya. Daryl just broke up with his girlfriend noon na si Jessa at ayaw niyang maging panakip butas lang kaya kahit gusto niya ito ay hindi niya ito sinagot.
Erik has been his boyfriend for two years but they broke up because of some reasons. Masyado siya nitong sinakal na hindi niya kinaya and the rest was history.
“Ahem.. I think I have to go somewhere..” hindi na niya natiis ang atmosphere.
“But why? San ka pupunta?” tanong ni Lira sa kaibigan.
“Obviously, wala akong partner and I have to find one..” biro niya sa mga kasama.
“Lagot ka kay Erik!” singit ni Daryl.
“Huli ka na sa balita, brod.. Wala na kami,” tumayo na siya at lumakad palabas ng bar na iyon.
“Anong nangyari?” usisa ni Daryl.
“Nasakal. Ayun, kumawala…” sagot ni Lira sa kanya.
“Kelan pa?” tanong ulit niya.
“Uy, curious! Matagal na…” si Vanessa ang sumagot.
Hindi na ulit siya nagtanong pa.
----------------------------------------
She didn’t know where to go. Kaya’t sa tabing dagat na lamang siya pumunta at piniling mapag-isa, tinatanaw ang madilim na malawak na dagat.
Hindi niya na namalayan ang mabilis na paglipas ng oras.
She spent her time thinking of what happened in her life few years back.
What if pinili niya si Daryl? Sila pa rin kaya hanggang ngayon? What if binigyan niya ito ng pagkakataon na mahalin siya noon? Will they work out as a couple? Or will they be better off as friends?
Sana ngayon ay hindi siya nagpapatay ng oras kakaisip sa mga what ifs ng buhay niya.
She knew, she still has feelings for Daryl. Naconfirm niya ito when she saw Daryl with Sheena. They look happy at nagseselos siya although wala naman siyang karapatan.
Iniisip niya na sana siya nalang ang kapartner nito sa bakasyong iyon. They never had a chance to be together.
Meron pala, nung mga panahong nililigawan pa siya nito.But that was all in the past now. At least, they remained as friends at nasa iisang sirkulo ng barkada lamang sila.
She decided to return to their hotel. Matutulog nalang siya. Wala naman talaga siyang planong maghanap ng lalaki. Binibiro niya lang ang mga kaibigan niya.
 Malapit ng sumikat ang araw ng mapagpasyahan na niyang tumayo mula sa kinauupuang buhanginan.


“AY palaka!” nagulat siya sa bultong bumungad sa kanya pagbukas niya ng pinto.
It’s Daryl. Obviously waiting for her.
“Bakit andito ka?” tanong niya rito.
“Where have you been?”
“Diyan lang sa tabi-tabi…” nilampasan na niya ito.
But he managed to grab her arms, “San ka galing?” tanong ulit nito.
“Ano bang pakialam mo!” asik niya rito.
“Just answer me!” maawtoridad nitong utos sa kaniya.
“You know why I broke up with Erik? Dahil ayoko ng sinasakal ako!” sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nito pero hindi niya kaya ang lakas nito.
“I don’t care about him! Iba siya, iba ako! San ka galing?! It’s 5 am!” mas humigpit ang hawak ni Daryl sa kanya.
“Pare-pareho lang kayong mga lalaki! Hindi marunong tumupad sa usapan! Galing ako sa tabing dagat, nakipag one on one sa sarili ko! Now,happy?! Let me go!”
Hindi pa rin siya binibitawan ni Daryl.
“Tinupad ko ang pangako ko pero sa tuwing makikita ko kayong masaya, nawawalan na ako ng pag-asa…” Daryl confessed.
“Forget it, Daryl! Tapos na iyon…”
But she can’t also forget it….

Two years ago at their school garden.
Daryl: I swear Jamie, maghihintay ako sa’yo.
Jamie: Pero kami na ni Erik.
Daryl: I don’t care.
Jamie: Huwag mong itali ang sarili mo sa akin. Madaming ibang babae diyan. Masaya na ako kay Erik.
Daryl:Hindi ko kayang maging masaya sa piling ng ibang babae. Ikaw lang ang gusto kong makasama.
Jamie: Maging magkaibigan nalang tayo..
Tinalikuran na niya si Daryl.


Back to present…..
“Masaya ka na kay Sheena and I wish happiness for both of you,” she’s lying but she had to.
“All this time,Jamie, ikaw pa rin!”
“Let’s remain as friends forever…”
“Ayoko…” maikli nitong sagot.
Pero mas nagulat siya sa sumunod nitong ginawa…
She grabbed her closer to him and kissed him on the lips…
She must be dreaming… But it can’t be… Ramdam niya ang mainit at mapusok nitong halik.
Feels like the world stopped from revolving…
Paanong nangyaring may Sheena na ito pero heto’t siya ang kahalikan ng lalaking ito at sa halik na iyon ay ramdam niya ang pagmamahal ng dating manliligaw.

“Baby…..”
Para silang binuhusan ng isang timbang crushed ice.

Awkwardness suddenly strikes…

“Sheen….” Tanging nasabi ni Daryl ng makabawi sa pagkagulat.
“Anong nangyayari?” naguguluhang tanong sa kanila nito.
“You have to know that-..” pagsisimula ni Daryl.
“No! It doesn’t mean anything…” agaw ni Jamie sa mga sasabihin pa sana ni Daryl.
“Kailangan niya ng malaman ang lahat…” awat ni Daryl kay Jamie.
“She doesn’t have to…” Jamie insisted.
“Tell me everything! What’s happening here?!” sa lakas ng boses ni Sheena ay nagising na rin ang iba pa nilang mga kasama sa kuwartong iyon.

And it’s more awkward…
 Ano ba itong gulong napasukan niya?
Maybe Daryl and she were really not meant for each other. They never had a perfect timing.

“I think I have to go.. Mauna na akong babalik ng Manila,” paalam niya sa mga kaibigan.
“You’re not leaving and Sheena must know everything!” sigaw na rin ni Daryl.
“Will you stop dominating me! Ayoko ng dinidiktahan ako!” sagot naman ni Jamie dito.
“Then stop being brat!” si Daryl.
“Guys, guys! Calm down, we’re here for a vacation not world war 3,” awat sa kanila ni Vanessa.
“I’m sorry for ruining this trip guys, sana pala hindi nalang ako sumama…” tuluyan na niyang tinalikuran ang mga kaibigan.
She started to pack her things.


Two weeks later…..

Awkwardness strikes again…..

Paano ba naman itong si Daryl, nandito ngayon sa opisina niya at hinaharana siya, right in front of her table. Natigil ang mundo ng kanyang department dahil sa biglang pagsulpot ni Daryl na kinasambwat pa ang kanyang boss.
“Will you stop what you’re doing?!” parang gusto ng lumubog ni Jamie sa kinauupuan niya dahil sa kahihiyan. Never in her wildest dreams na may gagawa ng ganito sa kanya. The least she expects ay si Daryl pa ang gumawa.
“Not until you say, Yes…” kinindatan pa siya nito.
“Sige na! Yes na! Single ka naman eh!” pang-uusig sa kanya ng kadepartment niya na si Sheila.
“It’s not that easy!” sagot niya rito, “hindi porke’t single, Oo kagad…” pagdadahilan niya.
“Mahal mo naman eh, go lang ng go!” sabat ni Diego, ang bading niyang kadepartment din, pambubuko nito sa kanya.
“Come on, just say yes….” Pangungulit pa rin ni Daryl and he’s still singing to the tune of their favorite song way back in college. Hinahanap Kita..

“Oo na, sige na. Just stop,”  sagot niya sa sa lalaking mahal.
Palakpakan naman ang mga tao sa paligid.

And it’s awkward again ng bigla nalang siya nitong halikan, in front of her officemates.

And yet she’s happy.

The End.


No comments:

Post a Comment