Pages

Thursday, October 11, 2018

Ikalawa





Sinubukan pero baka hanggang dito na lang.

Kinaya pero baka ang pagsuko’y kinakailangan.

Nagmahal ulit pero baka kailangan nang tigilan.

Inakalang ikaw talaga ang nakalaan

Pero baka pinapamukha na ng tadhana

Na hindi naman pala talaga.

Sumugal sa ikalawang pagkakataon.

Tayo ba talaga ang pinagbuklod ng tamang panahon?

Saan nga ba tutungo ang pusong muling nasasaktan?

Susuko na ba o patuloy na lalaban?

Tuesday, October 9, 2018

Kapos






Ikaw.
Ikaw ang kabanata na walang wakas
Nahulog, Nabitin, naiwan sa ere nang wagas 
Ang daming tanong na lipas 
Lumamig, Lumisan nang walang bakas

Bakit?
Bakit nawala, bakit naglaho?
Saan na nga ba ang "tayo"?
Alaala ang natira sa puso
Pati na rin pait at pagkapaso

Sino?
Sino ba talaga ang nawala?
Ako ba talaga ang may sala?
O ikaw na mag-isang nagpasya
Maglaho bigla tinalo pa ang bula

Ako.
Naiwan, nagalit, nalungkot, naguluhan
Bumangon, naghilom, natauhan
Muling naniwala, nagtiwala, sumaya
Dito sa mundong akin na ikaw ay wala

Wakas.
Hindi man natapos nang maayos
At ang pagsasama ay kinapos
Wala mang matinong wakas ang kwento natin 
Salamat pa rin sa tadhanang nagbiro sa'tin.

The Unfinished Business






You pushed my swing so I could fly high
I was happy then above the sky
But when I looked behind you were gone
All traces of you, I found none.

Unknown reasons haunted me
While being up then fell hard on the sea 
It was painful, clueless, hopeless
 Afterwards, became a total mess.

Luckily, was able to lift up again
Chinned up and ready to begin
New life's chapter is unfolding
Hey, past! I'm totally leaving and living

You may be my unfinished story
And a vague episode to see
But my heart brought back life's beauty
And to see you doing well, I'll be good (with all honesty).


Sanayan Lang ‘Yan






Ano bang bago sa muling magluluksa ang pusong muli na namang namatay?
Ano bang bago para sa akin, ang muling madurog ang pusong umasa na tuluyan nang liligaya?
Hindi ka pa ba tapos lumuha?

Hungkag na pakiramdam.
Lutang, nakatulala sa kawalan.
Nakangiti sa labas pero sa loob ay may malalim na dinaramdam.
Masakit, mapait, mahirap, hindi na naman alam ang gagawin.
Heto na naman tayo, may madilim na ulap muli sa paligid.
Pero sa bandang huli…kakayanin!

Bakit nga ba hindi tayo natututo?
Bakit nga ba hindi tayo nadadala?
Bakit ba hinahayaan pa rin natin ang mga sarili natin na masaktan kahit na napagdaanan naman na natin yon?

Nagmahal, nasaktan, natuto, bumangon, Magmamahal ulit, muling sasaya,pero sa kalaunan ay masasaktan din ulit.
Ang tanga lang talaga ng mundo!
Hindi pala, kundi ng mga taong nakatira dito.

Hanggang kailan tayo dapat masaktan?
Hanggang sa patuloy tayong nagmamahal?
Eh di mas mabuti pang huwag nalang magmahal ulit.
Kailanman ay hindi mauubos ang mga salitang pwedeng bigkasin na tutumbas sa lahat ng nararamdaman natin.

Patuloy na magmamahal, patuloy na masasaktan, patuloy na babangon para mabuhay.

Sanayan lang ‘yan.
Kung nasasaktan man tayo ngayon, pasasaan ba’t gaya ng dati ay muli rin naman tayong sasaya, mawawala ang pait at muling aasa sa isang panibagong buhay at bukas na naghihintay.
Masakit man ngayon, pero….sanayan lang yan.
Katulad ng dati…kakayanin!

Saturday, October 6, 2018

Mga Bagay na Hindi Kayang Sabihin




Ikaw ang kahapon na pilit kinakalimutan pero ikaw rin ang nakaraan na paulit-ulit binabalikan.
Maraming tanong na walang sagot ang naiwan, maraming galit ang nanaig, maraming pait siguro ay nanatili.

Akala kasi noon na ikaw ang itinadhana at ikaw na talaga ang inilaan.
Pero guni-guni lang pala at hindi naman pala talaga, dahil iba naman pala talaga ang hinahangad ng puso mong mailap, naduwag at umatras sa sugal ng pag-ibig. 

Natakot ka nang walang sapat na basehan.
Nabahag ang buntot matapos paniwalain ang pusong nangarap na mapabuklod sa'yo.
Nang-iwan ka sa kawalan, nangapa ako sa kadiliman, nanaig ang pagiging talunan, parang naging baliw sa daan, paulit-ulit na binibigkas ang lahat ng bagay na patungkol sa'yo, patungkol sa katangahan, patungkol sa pagkagalit sa mundong punong-puno ng mga duwag at manlolokong kagaya mo.

Sinisi pa ang sarili baka kasi nasa akin naman talaga ang mali. Ngunit hindi pa rin eh. Bakit hindi mo sinabi? Baka sakaling naitama at nabigyan ng linaw ang lahat ng agam-agam. Baka sakali rin na nagkaroon ng linaw ang lahat ng pinakamalabo pa sa malabong mga sapantaha mo.

Huli na ang lahat nang malaman ang tunay na dahilan. Nakakagag* lang din dahil nagawan sana ng paraan. Hindi ka soloista. Hindi ka isla. Nandito sana ako para may makasama kang lumutas ng mga problemang sarili mo lang naman ang gumagawa.
Ang simple lang kasi sana ng buhay, pinapakomplika lang natin. 
Pero wala na, tapos na, huli na para magsisihan pa.

Magkaayos man sa dulo, pagkakaibigan nalang ang mailalaan para sa'yo. Hindi madali pero susubukan. Burahin ang lahat ng pait at maging masaya na lamang.



Marami pa sana akong gustong sabihin pero kagaya nga ng naging kwento natin, hanggang dito na lang.

Friday, August 17, 2018

We Are The Problem




August 17, 2018



Couples fight, yes.

And to those who do it most of the time, the struggle is perfectly real.
Sometimes, the deeper we love someone is the greater the anger we feel.
This makes our heart in so much ache yet pride leads us so high.
Worst, when we felt so much pain, we also wanted to give that same amount of pain to our partners.

This should not be the case. And we all know that but we just can’t manage our emotions all the time.
It will always be hard but at least we’re giving it a try.

We should all know by heart that it is not ‘You versus Me’ and instead be, ‘We versus our Problem’.
Easier said than done, yes.
But that will make our life easier.

Respect is rule number one.
Struggles will always meet us and misunderstandings will always be in between.
And I believe that accepting defeat or own mistakes must come first in hand then deeper understanding of the situation will follow.

Individual differences are the most basic reason of fights.
It is and never will be easy to adjust but at the very least, we should keep on trying.

Here’s some tips that I may share to everyone:

Ø  Respect first before bursting out.
Ø  Controlling our temper is also must be on the list.
Ø  Stay calm.
Ø  It’s okay to talk endlessly, to rant, to say useless things but never ever shout and refrain from belittling or using cuss words to our loved ones.
Ø  It’s okay to have a dead air for some moment – to think and to breathe.
Ø  Then start talking about the problem, the solution, the resolution, the conclusion.
Ø  Cooperate to solve the problem.
Ø  Don’t be afraid to say, ‘Sorry’. It won’t eat you.

Our love is greater than our problems.

Please keep that in mind. It’s a much better feeling of having peace with someone rather than a war either silent or outrage.

Every couple is a problem that continuously needs to be fixed.

Let’s always choose the right battle – and it is "Us" versus our problem.

I Love It When You Cry






Thank you for showing your weakness only to me.
Thank you for trusting me with your emotions.
Thank you for letting me witness your miseries.
Thank you for I am always able to comfort you.

You trusted me much and for me it only means that you love me for real.
Same here, my Love. I love and trust you much.

Whether you cry because of an emotional outburst, grief, or just because of a sad movie, I am happy to witness it because you chose me – over and over again, to be with you, with any kind of situation life may bring us, I am glad.

As much as we laughed together, it feels good to cry with you. Not to crazily react on a sad moment but because every burden becomes lighter when shared it together.

I still clearly remember the very first time you cried with me even though it was already ages ago. And up to now, it still gives me goosebumps every time you choose to let me witness your rare weak moments.

Actually, seeing you cry is not about showing your weakness. Instead I adore you more because you bravely show your soft side that not everyone can see.

Thank you, My Love.

Thank you also for always bearing with me in every down side that I have and shared with you. Thank you for wiping my tears, kissing me and for the embraces specially when I need it.
I’m so lucky to have an instant someone whom I can share with every emotion that we have.

Whether for tears or for joy, I am here. As always.

Either we cry or we laugh, let’s do it together, as always.


Tuesday, July 31, 2018

Masaya Ka Ba?





"Masaya Ka Ba?"

Minsang tanong mo sa akin.

Tapos hindi ako nakasagot.

Oo o hindi lang naman ang pwede kong isagot pero mas pinili ko ang magpaliwanag nang napakahaba para lang sabihin ang mga good side at mabuting epekto ng pangyayaring iyon.

Isa siguro ito sa kahinaan ko.

Ang sabihin nang personal sa'yo kung gaano ako kasaya o sobrang grateful sa mga bagay-bagay na ginagawa mo para sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko i-eexpress na masaya ako, na naaappreciate ko naman lahat, na okay ako kahit saan basta kasama kita.

Kailangan ko pang turuan ang sarili ko na mas maging expressive at mas maipadama sa'yo na anuman ang mga gawin natin, kaharapin natin, mapagdesisyonan natin ay okay ako, basta nandyan ka sa tabi ko at magkasama nating hinaharap ang ngayon at bukas.

Mahal kita, mahal.

Mahal na mahal.

Salamat sa lahat.

At oo, masaya ako.


Friday, June 22, 2018

Love and Pain









"Love and Pain"
(A Short Poem)


There will always be pain in loving
There will always be worrying in caring.
And there's doubt in trusting
While there's hardness on forgetting when forgiving.
We'll never know if all these emotions are worth the feeling
Unless we'll let it be felt upon us.
Love is such a scary thing
We're all not sure if everything is worth the sacrifices.
To love is to be in pain
In all the laughter, there's still cryin'
But with the right one we'll make it through
We will stay and say that, 'my love is you.'

Sige lang








Sige lang...
itulak mo pa ako palayo sayo

Sige lang...
sanayin mo pa ako lalo

Sige lang...
ituloy mo lang ang pambabalewala sa akin

sige lang…
saktan mo pa ako nang saktan, sinasadya mo man o hindi

At sige lang,
Itutuloy ko lang din ang pagluha ko nang dahil sa'yo
Itutuloy ko lang ang pagiging manhid at tanga,
Patuloy na nagmamahal sa'yo at
Ipagpapatuloy ang masaktan.


Dahil nananalig ako
Na Darating din ang araw...
Na mapapagod na ako,
Na titigil na ako,
Na mawawala na rin lahat ng nararamdaman ko para sa'yo.

Kasabay nang paglipas ng panahon,
lilipas din ang lahat ng sakit
kasabay nang pagkawala ng pag-ibig ko para sa'yo.

Baka nga hindi talaga ako ang prayoridad mo.
Baka nga kulang pa talaga
O sadyang hindi lang ako makuntento
Sa kung anumang kapiranggot na kaya mong ibigay
At pakahulugan mo sa sinasabi mong mahal mo ako.

Sige lang, mawawala rin nang tuluyan ang lahat.
Wala namang permanente sa mundo,
Ang lahat ay nagbabago.
Kagaya mo
At malamang sa susunod
Ay kagaya ko na.

Baka lang din kasi
Na hindi naman talaga tayo ang itinadhana.
Nagkakilala lang, nagsama, nagsawa, nakalaan pala sa iba.

Lalayo na lang ako
Dahil ito naman yata ang gusto mo.
Ang lumamig at manlabo at tuluyan nang maglaho.

Ihahalik na lamang sa hangin
Lahat ng masasayang alaala,
Pakakawalan at lalaya na.

Sige lang,
Magiging ayos lang ako
At aalis na ng tuluyan dahil baka
Ito naman talaga ang gusto mo.

Sige Mahal,
Paalam na…



Does "We" Really Deserve A Second Chance?







This was written way back last March 2017 and was published on Female Network and below is the unedited version. Still kilig feels when I still see this post on their Facebook and website page. 

Wednesday, March 28, 2018

The Perks and Thorns of Loving


Written by: CieloAmethyst
March 26, 2018



Loving someone is just too painful.
Even though being with our love, feels so wonderful
They have the power to make us happy
Yet they also have the will to hurt us deeply

That is the irony of loving someone too much
Everything can fall in just a short glimpse
And everything can fall back into its proper place
That’s how can love be so mysterious.

The most ironic of all is us humans.
Coz even love can hurt us, we’re still giving chance.
Instead of choosing to be safe and painless
It’s the risk of falling that we would like to face.

When we love, we become both selfless and selfish
We gave our all and we just wanted to own them as the world spins.
Genuine love will always be unconditional
And sometimes we can’t think normal.

Whatever kind of love that we have
Cherish every moment and thank the God above
That we were able to know how does it feel
Specially that kind of love which is real.

Friday, March 23, 2018

New York: A Secret Dream



Written By: CieloAmethyst
March 23, 2018


I just want to share this no-more-secret dream of mine.
And that is to visit ‘the city that never sleeps’…. New York!
This is to document also that few years back, this is really my dream (even up to now).
Who knows, also a few years from now, this dream will eventually come true and I can look back on this blog post I made dated March 2018.

So why did I choose New York as my dream destination?

I think watching American movies that has the New York settings influenced me a lot.
I grew up watching a lot of foreign movies and I will always be amazed of the place that eventually I started dreaming of being there.
The Central Park, the Times Square, The National Museum, the Zoo, the Statue of Liberty, the different tall buildings, the walkways, the residential areas, oh how I wished I could be there. And I know that I will. Someday!

Now, my imaginations gone wilder.
I dreamed of visiting the state and then eventually I can write my own stories which has New York settings because I finally experienced walking there!
This scene of living in one of the condos there, while writing scripts also keeps running on my mind.

They say that when we write and when we read books, it can take us everywhere but then I believe that experiencing it for real is totally a different story.

The more I watched movies with NY settings, the more I eagerly dreamed of getting there.
Oh yes, this is life goal. Someday soon, the Divine Will can take me there.

How about you? What’s your dream country or destination?

Tuesday, March 13, 2018

13th of March





March 13, 2018
Written by: CieloAmethyst





March 13, 2015
10 p.m.
Friday
Somewhere in Metro Manila

My world collapsed.


Three years ago when you chose to break my heart.
All the while, akala ko okay tayo.
Akala ko hindi mo ako kayang iwan, saktan at ipagpalit sa iba.
Akala ko tipikal lang na magkakaaway tayo, magkakabati, mag-aaway ulit.
Pero hindi pala.
Hindi mo na pala ako mahal.
May iba ka na.
At matagal mo nang balak na hiwalayan ako.
Wala ka na palang ibang nakikita sa akin kundi ang mga pagkakamali ko.
Wala ka na palang nararamdaman para sa akin.
Kaya mo palang itapon lahat ng pinagsamahan natin.
Kasi hindi ka na masaya.
Kasi nagsawa ka na.
Kasi masaya ka na sa iba.

“Maghiwalay na tayo. Sana kayanin mo.”
Yan lang ang mga sinabi mo.
Pero sobrang nawasak ang mundo ko.
Pinagtangkaan ko pa nga ang sarili kong buhay.
Wala eh, tanga eh.

Umiyak ako nang sobrang lakas habang kausap ka kasi hindi ko matanggap,
Hindi ko maunawaan.
Hindi ko kaya nang wala ka.
Hindi ko kayang iwan ka.
Wala eh, masyadong mahal kita.

Sinubukan ko pa ngang makipagkasundo sa’yo.
Na lahat ng gusto mo gagawin ko
Wag mo lang akong iwan.
Pero nabato na ang puso mo
At buo na ang desisyon mo

Na hiwalayan ako at wala na akong ibang magagawa kundi ang sumunod nalang sa gusto mo.
Humingi ka ng panahon para makapag-isip isip.
Pero naisip ko rin na huwag na.
Huwag mo nang pag-isipan
Kung sa huli, ay hindi mo naman na talaga ako mahal.
Huwag na nating ipilit pa at baka mas lalo lang na magkasakitan pa tayo.

Tatlong taon na nga ang lumipas pero sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon,
Ay masakit pa rin pala, nasasaktan pa rin ako
Ano nga bang matinding kamalian ang nagawa ko noon
Para piliin mong iwanan ako.
May naging malaki nga ba akong kasalanan, pagkukulang?
O sadyang, yung pagibig mo sa akin, nawala lang talaga nang tuluyan.

May kirot pa rin sa dibdib
Sa tuwing sasariwain ko kang madugong kahapon
Pero mabuti na lang at sa kasabay na paglipas ng panahon,
Ang mga sugat ay naghihilom.
Alaala nalang ang mahapdi.
Pero hindi na muling sasakit pa ang mga mata
At patuloy na luluha.
Ngiti nalang at ngiti
Wala nang iba pa.

Wala na ang pait.
Tamis na lamang ng mga aral na napulot mula sa tatlong taon na nakalipas.
Ganun talaga ang buhay.
Kasama sa paglalakbay ang madapa, masaktan, pero babangong muli upang maging masaya at patuloy na lalaban.

Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang ipinupunto ng sulating ito.
Gusto ko lang siguro alalahanin ang isang araw sa buhay ko na nagturo sa akin para maging mas matapang, mas matatag at magawa ang mga bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya. Marami pa pala akong mararanasan na siyang bubuo sa pagkatao ko. Marami pa pala akong lugar na kayang puntahan nang mag-isa o may kasamang iba habang nananatili akong masaya.

Salamat sa araw na ito, dahil nagising ako sa katotohanang, marami pang bagay ang hihigit sa isang bigong pag-ibig.