Pages

Friday, June 22, 2018

Love and Pain









"Love and Pain"
(A Short Poem)


There will always be pain in loving
There will always be worrying in caring.
And there's doubt in trusting
While there's hardness on forgetting when forgiving.
We'll never know if all these emotions are worth the feeling
Unless we'll let it be felt upon us.
Love is such a scary thing
We're all not sure if everything is worth the sacrifices.
To love is to be in pain
In all the laughter, there's still cryin'
But with the right one we'll make it through
We will stay and say that, 'my love is you.'

Sige lang








Sige lang...
itulak mo pa ako palayo sayo

Sige lang...
sanayin mo pa ako lalo

Sige lang...
ituloy mo lang ang pambabalewala sa akin

sige lang…
saktan mo pa ako nang saktan, sinasadya mo man o hindi

At sige lang,
Itutuloy ko lang din ang pagluha ko nang dahil sa'yo
Itutuloy ko lang ang pagiging manhid at tanga,
Patuloy na nagmamahal sa'yo at
Ipagpapatuloy ang masaktan.


Dahil nananalig ako
Na Darating din ang araw...
Na mapapagod na ako,
Na titigil na ako,
Na mawawala na rin lahat ng nararamdaman ko para sa'yo.

Kasabay nang paglipas ng panahon,
lilipas din ang lahat ng sakit
kasabay nang pagkawala ng pag-ibig ko para sa'yo.

Baka nga hindi talaga ako ang prayoridad mo.
Baka nga kulang pa talaga
O sadyang hindi lang ako makuntento
Sa kung anumang kapiranggot na kaya mong ibigay
At pakahulugan mo sa sinasabi mong mahal mo ako.

Sige lang, mawawala rin nang tuluyan ang lahat.
Wala namang permanente sa mundo,
Ang lahat ay nagbabago.
Kagaya mo
At malamang sa susunod
Ay kagaya ko na.

Baka lang din kasi
Na hindi naman talaga tayo ang itinadhana.
Nagkakilala lang, nagsama, nagsawa, nakalaan pala sa iba.

Lalayo na lang ako
Dahil ito naman yata ang gusto mo.
Ang lumamig at manlabo at tuluyan nang maglaho.

Ihahalik na lamang sa hangin
Lahat ng masasayang alaala,
Pakakawalan at lalaya na.

Sige lang,
Magiging ayos lang ako
At aalis na ng tuluyan dahil baka
Ito naman talaga ang gusto mo.

Sige Mahal,
Paalam na…



Does "We" Really Deserve A Second Chance?







This was written way back last March 2017 and was published on Female Network and below is the unedited version. Still kilig feels when I still see this post on their Facebook and website page.