Pages

Friday, January 26, 2018

Mga Awit




Isinulat Ni: CieloAmethyst
Jan. 10, 2018





“Am I real?
Do the words I speak before you make feel
That the love I've got for you will see no ending?
Well if you look into my eyes then you should know
That you have nothing here to doubt nothing to fear
And you can lay your questions down cause if you'll hold me
We can fade into the night and you'll know
The world would die and everything may lie
Still you shouldn't cry
'Cause time may pass
But longer than it'll last
I'll be by your side”



“Uso pa ba ang harana?
Marahil ikaw ay nagtataka.
Sino ba 'tong mukhang gago
Nagkandarapa sa pagkanta
At nasisintunado sa kaba?
Meron pang dalang mga rosas.
Suot nama'y maong na kupas
At nariyan pa ang barkada
Nakaporma't nakabarong
Sa awiting daig pa ang minus one at sing-along.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin
Sa iyong tingin ako'y nababaliw, giliw
At sa awitin kong ito
Sana'y maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa'yo
Na, na, na, na
Hindi ba't parang isang sine.
Isang pelikulang romantiko
Hindi ba't ako ang bidang artista
At ikaw ang syang leading man
Sa istoryang nagwawakas sa pag-ibig na wagas.
Puno ang langit ng bituin
At kay lamig pa ng hangin.
Sa iyong tingin ako'y nababaliw, giliw.
At sa awitin kong ito
Sana ay maibigan mo
Ibubuhos ko ang buong puso ko
Sa isang munting harana para sa'yo.
Isang munting harana.... Haa
Harana...
Para sa'yoooo...”



“Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahalmo rin
At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di mag babago
Ngunit bakit satwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba
Di ba nila alam, tayo'y nag sumpaan, na ako'y sayo
At ika'y akin lamang

Kahit anong mang yari, pag ibig ko'y sayo pa rin
At kahit ano pa, ang sabihin nila'y ikaw pa rin
Ang mahal, mag hihintay ako kahit kailan
Kahit na umabot pang ako'y nasa langit na
At kung di ka makita, makikiusap kay bathala
Na ika'y hanapin, at sabihin, ipaalala sa iyo
Ang nakalimutang sumpaan, Na ako'y sayo at ika'y
Akin lamang”



“Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa tuwing tayo'y magkasama

Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara


 ------------------------------------------------------




Masyado mo akong pinasaya sa pamamagitan ng mga awit na inalay mo sa akin noon, kaya naman ang daming mga kanta na nagpapaalala sa akin sa’yo ngayon.

Kumusta ka na nga ba?

Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magkausap.

Ang sabi mo lang, “Sorry.”

At ang sagot ko naman ay, “Okay.”
Doon natapos ang mahigit isang taon nating pinagsamahan.

Sa totoo lang ay gusto kitang makausap ulit. Marami akong tanong na hanggang ngayon ay walang sagot. Pero sige, hayaan nalang natin ang mga iyon dahil kahit naman masagot mo ang mga tanong ko ay wala na rin namang magbabago.

Masaya ka na. Masaya na rin ako.
Iyon nga lang ay wala ang presensya ng isa’t isa sa buhay ng isa’t isa.

Bakit nga ba ay ikaw pa rin ang naiisip sa tuwing maririnig ang mga kantang kay dami?
Emosyonal lang ba ako masyado at naaalala ko pa rin ang nakaraan natin?
Ewan ko, oo, siguro.

Ganun siguro talaga kapag dumating ka sa punto ng buhay mo na akala mo ay panseryosohan na ito. Minsan talaga ay mahirap ding kalimutan ang mga bagay na “muntikan na”.

Pero hanggang doon nalang siguro talaga ang dapat ikahinto. Dahil baka kapag nadugtungan pa ay baka mas sumakit at lumalim pa lalo ang mga sugat na iniwan ng kahapon.

Ang tanging magagawa nalang ay ipagpatuloy ang maging masaya. Mapapangiti nalang talaga sa tuwing maririnig ang mga awitin, maaalala ka ngunit hanggang doon nalang talaga iyon.
Doon na lamang tayo mananatili- sa bakas ng kahapon.
Salamat sa ala-ala at sa lahat ng aral na ibinahagi mo.