Pages

Friday, November 17, 2017

Para Sa Kaibigan Kong Nagpapatuloy na Maging Tanga




Isinulat ni: CieloAmethyst




“Titigilan ko na ba?” Minsang tanong niya sa akin habang nasa bubungan kami ng jeep at binabagtas ang kahabaan ng Marcos Highway sa Rizal.

Pasensya na lang at nasigawan ko siya, “Paulit-ulit tayo?!”


Sa mahigit isang taon naming pagkakaibigan ay paulit-ulit lang ang kwento na naririnig ko mula sa kanya. 

HINDI SIYA GUSTO NG TAONG GUSTO NIYA.

Pero heto at patuloy siyang umaasa na mabibigyan siya ng pag-asa. Patuloy siyang humohopia, patuloy siyang nagmamahal sa taong laging hindi ang sagot sa kanya, patuloy siyang nagiging tanga. 

Ilang beses ko na siyang sinasabihan na tumigil na at humanap na lamang ng iba pero wala, ang tigas pa rin ng ulo niya.

Nakakasawa marinig ang mga paulit-ulit niyang kwento na walang katuturan. Pero dahil kaibigan ang turing niya sa akin ay patuloy lang din ang pakikinig ko sa kanya. Patuloy lang din ang pam-bubully ko sa kanya at pagsasabi sa kanya na ang tanga-tanga niya.

Simple lang naman kasi ang buhay eh. Tayo lang talaga mga tao ang nagpapakumplikado nito.
Kung ayaw talaga ay huwag nang ipilit pa. 

All we have to do is to move forward. 

Mahirap, oo pero wala namang masama kung susubukan nating gawin, kahit dahan-dahan, kahit paunti-unti, ang mahalaga ay umaabante tayo. At hindi tayo nakasiksik lang sa isang sulok ng buhay natin. Kailangan nating gumalaw. 

Naniniwala ako na everything we do is a choice. Hindi totoo na “siya talaga ang gusto ng puso ko eh, siya talaga ang dinidikta nito.” Kalokohan. 

Choice mo yan, Bes.

Mas pinipili mo ang maging miserable, kaysa maging masaya nang tuluyan na siyang wala sa buhay mo. Ikaw mismo ang nagkukulong sa sarili mo para sa isang klase ng pagmamahal na kailanman ay hindi masusuklian. Sinasabi mo na diyan ka masaya, sa pagmamahal sa kanya kahit hindi ka niya mahal. Kalokohan ulit. Hindi ka naman talaga masaya. 

Dahil una, hindi ka naman niya kinakausap. Naka-block ka pa nga.
Hindi ka rin niya maituring na kaibigan dahil binibigyan mo iyon ng ibang kahulugan.
Hanggang tanaw ka lang parati sa kanya dahil wala ka namang lakas ng loob para lapitan at kausapin siya. 

Walang tanga na forever nagiging masaya. Karamihan sa kanila ay mas nasasaktan pa nga.
At pagkatapos nilang matauhan doon talaga sila mas nagiging masaya – kapag lumaya na sila.
Lumaya mula sa lahat ng sakit na sila rin naman mismo ang nagbigay sa mga sarili nila.

Kaya please lang, mag-move on ka na.
Awat na sa walang katapusan mong pag-asa.
Sabi nga ng isa kong kaibigan, Wala namang mali sa’yo sadyang hindi ka lang talaga niya preferred.

Tama na ang paniniwala mo sa “Law of Attraction” para sa aspetong iyan ng buhay mo. May tamang application ang batas na iyon. 

Para ka na rin kasing humiling na umulan ng nyebe sa Pilipinas. Medyo isipin mo rin kasi sana ang percentage of possibility. 

Sa umpisa pa lang, sinabi na niya sa’yo na hanggang pagkakaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay. Pero anong ginawa mo? Nilagyan mo ng kulay. 

Yan tuloy, kahit pagkakaibigan lang ngayon hindi na niya maibigay sa’yo dahil patuloy mo pa rin siyang pinopormahan. 

Hay nako, friend. Nakakapagod ka nang payuhan. 


Ang dami mo pang ek-ek na solusyon. 

LET GO. 

Yung lang naman talaga ang kailangan mong gawin.

Para sa’yo ang blog post na ‘to. Basahin mo. Para hindi na ako sirang plaka.