"A SHORT LOVE STORY"
written by: CieloAmethyst
June 30, 2017
Paano ko nga ba sisimulan ang kwentong ito? Sige, sa maikling bagay na lang.
Lulan ako ng jeep papunta sa bahay ng kaibigan ko at nasa tapat ko ang isang babaeng may itsura naman. Mahaba ang buhok niya, makinis ang mukha, matangos ang ilong at medyo may kaputian ang kutis. Naka-puti siyang plain na t-shirt at nakasuot ng maong na short shorts.
Kung pagbabasehan ko ang mukha niya, tantya ko ay nasa early twenties pa lang siya.
Dahil nga sa may itsura si Ate Girl ay pansinin talaga siya ng ibang mga pasahero lalo na ng mga kalalakihan. Kasama na ako doon.
Iba kasi talaga ang ganda niya at ang lakas pa ng appeal niya.
"Bayad po, isang Guadalupe." Inabot niya ang bayad at halos lahat ng lalaking pasahero ay nagprisintang abutin ang bayad niya habang nakasilay sa mga mukha nila ang ngisi. Dahil katapat ko siya ay ako ang naunang kumuha ng pamasahe at inabot kay Kuyang driver.
"Bayad daw po ni Miss na maganda." Sabi ko pa.
Muli akong napatingin sa kanya at sulit ang pag-abot ko ng bayad dahil ang sukli niyon ay ang matamis niyang ngiti. 'Shet, jackpot!'
Isang lalaki ang umepal. Yung lalaki sa tabi ni Ate Girl.
Nilabas nito mula sa bulsa ang kulay kahel
na malaking panyo o scarf, binuklat iyon at inilatag sa mga hita ni Ate Girl.
Okay, wala na akong masabi.
Hindi kumibo si Ate Girl sa ginawa ng lalaki.
Magkakilala pala sila? Base sa pagkakaalala ko ay naunang sumakay ang lalaki at sa sumunod na kalye naman si Ate Girl.
Nag-para na ang lalaki at bumaba. Hindi ito nagpaalam o lumingon man lang kay Ate Girl. Basta na lamang ito bumaba.
Pababa na rin pala ako sa susunod na babaan at hindi ko na inintindi pa ang kwento nilang dalawa.
Basta instant crush ko na si Ate Girl.
MAKALIPAS ang dalawang araw, dahil babad ako sa Facebook, ay isang trending post ang lubos na pumukaw ng pansin ko. Pamilyar kasi ang litrato.
Ang nasa larawan ay isang palad at nasa ibabaw niyon ay isang nakatuping panyo.
At ito ang mala-nobelang naka-caption:
-------------------------
"Shout out kay Kuya na naglagay ng panyong ito sa legs ko kanina sa jeep.
Salamat sa pagiging gentleman mo. Kahit strangers (na) tayo sa isa't isa. Hindi ka pa rin nagbabago. Ikaw pa rin yung Darryl na sobrang protective, sobrang seloso at sobrang mapagmahal.
With that just very simple gesture, naramdaman ko na mahal mo pa rin ako.
Assuming na kung assuming pero yun ang isinisigaw ng puso ko eh. Malakas ang pakiramdam ko na ako pa rin talaga ang mahal mo.
Buti na lang nag-maikling short ako (hello, may mahaba bang short? Haha!) at nakasabay pa kita sa jeep (hello, destiny!).
Sa loob ng dalawang taon, ngayon lang ulit tayo nagkita at sa loob pa talaga ng jeep.
Na-miss kita Babbah.
Salamat sa maikling sandali na muli tayong nagkadaupang palad.
Gamit mo pa rin pala itong panyo na niregalo ko sa'yo nung 21st birthday mo. Favorite color mo pa rin ba ang Orange? Ako kasi hindi na. Lahat ng tungkol sa'yo at sa mga bagay na makakapagpapaalala sa'yo ay kinalimutan ko na. Syempre para maka-move on na ako.
Pero nung nakita kita, mukhang magsisimula na naman ako sa Zero. Nayanig na naman ang mundo ko at dumating na ang araw na kinakatakutan ko. Ayaw talaga kitang makita dahil baka nga tama ang hinala ko. Kaya nga kita blinock sa lahat ng social media accounts ko 'di ba.
Shet, tama nga.
Ikaw pa rin Babbah. Ikaw pa rin kahit hindi na talaga pwede.
Salamat sa panyong nilagay mo sa legs ko at may pamunas ako ng mga luha ko ngayon.
Sorry kung pinost ko 'to. Promise, last post ko na ito tungkol sa'yo.
I pray na maging healthy lagi ang baby mo na one year old na mahigit at paki-kumusta nalang din ako sa ahas kong best friend na asawa mo na ngayon.
Ang cliche ng love story natin but shit reality happens.
Salamat uli sa panyo.
Your TOTGA,
Babbah Jeanna ❤️"
----------------------------------
Dito ko na tatapusin ang kwentong ito dahil nasagot na ng Facebook post na ito ang mga tanong ko. Yung ibang tanong ko siguro, i-me-message ko na lang si Ate Girl a.k.a Jeanna. Baka sakaling replyan niya.
WAKAS.
Pages
▼
Friday, October 13, 2017
Still
8/22/2017
Oh my Dearest You,
Why does it have to still be you?
I tried to run away so far
To totally forget and heal the invisible scar
And yet, this very foolish heart
Remained to stay even when we're apart.
I may loose again in this gamble called love
But I'd still choose to look above
And tell the world that, "Hey! This man!"
"I love him and he's all mine!"
Thanks for allowing me to be yours
Thanks to fate for all the shared years
Filled with fun, craziness, happiness and tears.
I will still believe in 'us' dropping all fears
I will still give it a try because it's you
And together we'll make it through.
This will never be easy, never will be
But with you by my side, this is worthy.
By giving life to our hopeful love and its power,
Let's still keep on working out this thing called 'forever'.