Pages

Thursday, August 25, 2016

Ang Ramen....Bow.

  

Ang Hugot sa Ramen 
August 23, 2016




Dear Future Love,

Heto na naman ako at mag-isang lumalafang sa isang restaurant kung saan nagbebenta sila ng ramen. 

Nadagdagan na naman ang utang mo sa akin. Ito ang mga utang na pagkakataon na dapat ay magkasama tayo at kumakain sa pandalawahang mesa ngunit sa hindi kagandahang palad ay mag-isa lang ako. 

Nadagdagan na naman ang mga malulungkot na resibo.

Nasaan ka na ba kasi? Bakit ba ang tagal mong dumating? 
Ang lamig na ng noodles na kinakain ko pero wala ka pa rin. 

Naunahan ka pang dumating ng mga kasamahan ng katapat kong mesa na na-traffic lang daw sa Cubao.

Ano na ang plano mo? Matagal ka pa rin ba? Hindi naman sa naiinip na ako. Medyo lang. At medyo nagtatanong lang.

Maanghang ang kinakain ko. Kasing anghang ng pagmamahal na maaari kong ibuhos sa sobrang init ng pag-ibig na kaya kong ialay sa'yo. Hinding- hindi mo ito makakalimutan at maiisipan na pakawalan dahil sa sobrang sarap na maaari mong madama. 

Masaya naman ako kapag kumakain sa mga restawran na gusto ko dahil nabibigyan ko ng pagkakataon ang sarili ko na makaranas ng konting ginhawa paminsan-minsan. Pero baka lang kasi mas magiging masaya ang buhay kung magkasama tayo.

At kapag nangyari yon, marami akong ikukwento sa'yo. Promise! 
Itaga mo pa sa lahat ng resibo ko.

Hintay lang talaga, Future love. Darating din ang tamang panahon nating dalawa. 


CieloAmethyst ❤️

  

Tuesday, August 23, 2016

Having a Crush: My Struggle is Real

Written by: CieloAmethyst


"Dear Kras, 

Pilit kitang hinahanapan ng mali para hindi na kita maging crush. Ayoko! Ayoko ng ganitong feeling! Kasi hindi ka Korean actor! Hindi ka rin si Aljur o si Zanjoe. O isa sa mga F4. Grabe, struggle. Ayoko talagang magka-crush sa'yo. Promise!" 

I'm 26. Uso pa ba ang crush sa edad kong ito? Siguro naman oo. Nangyayari nga sa akin ngayon eh. 
Sobrang struggle lang talaga kasi hindi ako sanay magkagusto sa isang normal na tao. Kasi nga isa akong DIWATA at siya ay isang hamak na mortal lamang. 

De, joke lang. Madaling araw na kasi kaya sinasaniban na naman ako.

What I mean about this crush thingy is yung hindi paghanga sa artista,  o sa Kpop, o boyband, o sa mga lalaking galing sa libro at anime.

As in, ito ay pagkakaroon ng gusto o paghanga sa isang tao talaga! Pangkaraniwang tao na nakakasalamuha ko. Nothing special, just ordinary. But what makes him stand out and be extraordinary?

Paano niya natunton ang Diwata level of standards ko?

Yung tangkad niya? Shet! Weakness ko talaga ang height. Hu-hu. Help! 
First basis pa lang, lubog na ako. 

Medyo bad boy image. Shet. Check ulit!
Alam mo yung mukhang matapang pero pagdating sa'yo napakagentle niya? Ganun siya!

Hindi mukhang fuckboy. Ay, check! He maybe looks bad boy pero kapag nakausap mo na, he's not and he is not definitely a fuck boy. Maniwala tayo sa woman's instinct. That's our greatest power. 
Lalo pa ako na isang self-proclaimed diwata.

Family-oriented. God-fearing. May stable job. Loves hiking and traveling. And he's into photography rin. Check na check lahat!
Huhu. Sobrang lubog na lubog na ako.

OMG! Pwede na ako magpalpitate. 

Tapos ideal age pa and according to his Facebook relationship status, he's single.
Ano ba?! Awat na. 

This can't be happening. 

Ayoko! 

Natatakot na tuloy akong mas makilala pa siya. 
Dalawa lang kasi yan eh. It's either lalo akong mahulog (that means it would be more than crush) or mawala yung 'starter pack' feelings at magtungo sa zone na paborito ng lahat. None other than, FRIENDZONE.

Based on my personal historical reports sabi ng memory bank kl, yung mga nagiging crush ko, ended up as becoming my friends kasi nakakahanap ako ng mga bagay na negative about them kaya gumugoodbye ang feelings with hidden agenda.

At higit sa lahat ng factors of becoming a 'friendzoner',  hindi nila ako type! Hahaha! 

So, yon lang. 

This blog post was just all about my  childishness foolishness some sort of crush on someone I have just got to meet recently.

Hi, Muffin! 

P.s. Kahit pala sa crush, loyal ako. As in pangmatagalan talaga. 

Kaya parang ayaw na gusto ko pa siyang makilala nang lubusan. (Ang labo ko talaga!)
Because I want to cherish this current feeling. Yung medyo kilig much every time I think about him. Hehe.
Baka kasi kapag nakilala ko pa siya, feelings will surely change. Either for the better or for the worse. 

Kasi nga walang forever.



August 23,2016 
Yes, sweldo!

The Birthday Ex

 Dear Ex,


Happy birthday! 
It is your 28th this day. 
I just wished that you may have a better life now. 

Aaminin ko bang namimiss kita? Sige na nga. 
Kumusta ka na? 
Masaya ka na ba? 
Buhay ka pa ba?
It has been 1 year, 5 months, 9 days and 2 hours since we parted ways.

I remember your last birthday celebration with me, you were so happy and grateful that time.
Sabi mo pa nga, you were lucky enough to have a partner like me. 

But changes happened and everything between us just ended. 

Sinusulatan kita ngayon hindi dahil sa umaasa pa rin ako na magkakabalikan pa tayo. 
Matagal ko nang natanggap sa puso at isip ko na hinding hindi na mangayayari 'yon. 

Sabi nila, ang pagmamahal daw sa isang tao ay hindi naman talaga nawawala. Kundi nahihigitan lang ng iba. 
Hanggang sa mamatay tayo, dala natin ang lahat ng ala-ala at pagmamahal para sa taong iyon.
Iyon nga lang, kahit pa na mahal pa natin ito, mas magiging masaya tayo nang wala sila sa buhay natin dahil may ibang mas makapagpapaligaya sa atin. 

Katulad ko. Oo mahal kita. Pero kasi mas mahal ko na ngayon ang sarili ko kaya mas masaya na ako. 

Salamat din sa'yo dahil sa mas tumaas ang standards ko. 
Kung nagmamahal man ulit ako ngayon, pipiliin ko nang makasama yung taong hihigit sa'yo. 
At alam ko rin na kaya ko siyang mahalin nang higit pa sa ginawa kong pagmamahal sa'yo. 

Dasal ko na sana ay masaya ka na rin ngayon. Sa piling man ng iba o wala ay bahala ka na. Basta masaya ka. 
At sana rin ay mas napabuti na ang buhay mo. 
I hope that when we we parted ways, you learned how to be more matured and dependent on yourself.
Sana mas naging masipag, matiyaga at dedicated ka na ngayon. 

Wait, did I just make birthday wishes for you? 
Oh, well! Happy birthday, Bheb! 

Hindi ako sigurado kung dapat ko pa bang hilingin na magkita pa tayo ulit o hindi na. 

More than that, I wish you the best. 
 

Wednesday, August 17, 2016

Ulan at Tahanan

Dear Future Love,

Heto na naman ako. Kumakain mag-isa sa labas. 
Tapos sinabayan pa ng ulan na sobrang lakas.
Haay, ang sarap na naman mag-senti at isipin ka. 
So, kelan ka nga dadating? Kelan ba talaga? 


Sa tuwing kumakain ako mag-isa at nagmumuni-muni. 
Ang nasa puso at isip ko ay ikaw lagi. 
Iniipon ko lahat ng litrato na mag-isa lang ako. 
Kasi sa susunod, ipapakita ko iyon sa'yo. 
At sa susunod ay magkasama na tayo.

Marami na akong nasulatan na likod ng mga resibo.
Habang ang nasa isip ay ikaw na kapiling ko.
Hintay-hintay lang pasasaan ba't malapit na.
Sa wakas, finally ay makakasama na rin kita. 


Tyagaan lang talaga at iniisip na lamang
Na baka na na-delay ka sa customs o baka na-traffic ka lang.
Kasabay ng paghihintay ko na tumigil na sana ang ulan
Sa susunod ay uuwi na ako sa ating "tahanan".

I love you, Orange Man. 

CieloAmethyst
Aug.17,2016



Dati Dati Dati



  "Dati Dati Dati"

Nasanay ako noon na nagpupuyat kapiling ang telepono na ang taong nasa kabilang linya ay tanging ikaw.
Kausap ka, kakwentuhan, katawanan, kadramahan, magmula gabi hanggang sa pagputok ng araw. 
Minsan namamalayan ko nalang na ang telepono ay ginagawa ko ng unan,
Gigising sa umaga, puno ng puso ang paligid, taas, baba, kaliwa at kanan.
Mga simpleng mensahe mo pero lubos na nakakapagpasaya 
Sa malamamon kong puso at naaaba ay labis-labis na ang tuwa 
Ang sa tuwi-tuwina ay lagi ko nalang nadarama
Lutang sa alapaap, oo na, sige na, ako na talaga.
Sa bawat salita na mula sayo'y pumapakawala ay aamin na ngang talaga, heto na nga.
Ang buong ikaw ay tinanggap, nagustuhan at minahal ko na nga. Oo na nga, heto na at umaamin na!
Maaari ngang abala tayo pareho sa buong araw at maghapon.
Ngunit lagi namang nagmamadali na lumipas ang araw at sa trabaho'y makaahon.
Kakausapin ka pa kasi ng puso sa puso, isip sa isip at diwa sa diwa. 
Ang hirap magmahal, nakakatakot ang sobrang tuwa, nakakakaba ang damdaming nag-uumapaw sa ligaya. 
Ang tinig mo ang palaging kumukumpleto sa araw ko. 
Makausap lang kita ay sobrang okay na okay na ako. 
Lahat ay naibabahagi ko sa iyo, at ang mga pangyayari sa buhay -buhay natin. 
Ay sabay nating tinatawanan, iniiyakan, kinakantahan, at kahit mapuyat, ang bukas ay hindi iisipin. 
Pero kasi, sadya nga yatang walang forever sabi nga nila at sabi ko. 
Lahat ng saya at koneksyon sa pagitan natin ay tuluyan nang nagbago at naglaho.
Wala na ang dating merong tayo, wala na ang 'tayo'. 
Ganun talaga. Ang lahat ay sa ala-ala nalang maitatabi.
Maaari ngang maraming panghihinayang at pagsisisi
Pero wala na talaga eh, tatlong buwan na ang lumipas, iyon na ang huli. 
Ang meron nalang ay ngayon at wala na ang dati, dati, dati.

CieloAmethyst
Aug.17,2016

Thursday, August 11, 2016

My Dearest Future Love

  Dear Future Love
Written by: CieloAmethyst
August 10, 2016

As I was sitting alone on a coffee shop,
Thinking of you I couldn't stop.
Dear future love, when will you come?
To share love with me and feel its warmth.

When can I take your gentle embraces?
And experience your sweetest kisses?
Waiting is a thing that I am used to
But until when and when can I finally meet you?

Dear future love, I'm so excited to celebrate love
With you alone here and with God above.
Please, please, please meet me so soon.
So we can finally dance under the moon.

I'm waiting Future Love.... I'm waiting....




And here's the draft. 😂