Pages
▼
Thursday, July 28, 2016
Mind Wandering at Wingstop
Written by: CieloAmethyst
July 28,2016
Thursday night
A lil bit long
Once in a while, I used to treat or date myself. Maybe at least once a week or sometimes just twice a month.
This time, I decided to drop by at Wingstop. I ordered a bucket of chicken that consists of five sour, salty, sweet and spicy super big wing parts. Plus a cup of iced coffee completed my night. 😍
Oh yes. It was "halimaw" / gluttony monster mode on once again.
I have to wait for fifteen minutes for my order so my mind started to wander and wonder in a while.
Just like waiting for the right love to come along, I have to be patient and just enjoy myself being alone.
Just be happy while waiting, no worries, no pressures, no doubts and just fill the heart with love and hope.
One of my friends asked me last time. How did I get used to it? She means I being alone, dating one self, eating on a resto all by myself, walking endlessly around Eastwood, doesn't take lunch break and being left alone at our office department.
And the answer just lies to her question. I'm used to it. Very very used to it.
Sometimes in wandering and being alone, we tend to get lost but at the end of the day, it will be our owb self that we will going to find. And happiness lies within.
So don't be scared and stop hearing and minding other people's nonsense side comments, "starings", etc.
We have our own life to live so just live with it to the fullest.
Having people around us is fun. But being alone does not automatically mean life is being lonely, boring and dull. It's just a matter of one's perspective. So keep going! Be alone, be fab, be happy! Grow up!
#diwawonders
#mindwandering
Tuesday, July 26, 2016
2:05 a.m.
July 26, 2016
Time check: 2:05 a.m.
Dear Future Love,
Out of nowhere, I decided to talk to you again.
It's been awhile since the last time I wrote for you. And I wanna poke you right now because I was busy writing for a blog post then you just popped out of my head.
Why?! Do you miss me? Are you longing for me that much that you were not able to sleep early tonight?
Oh well, thanks for the thoughts.
See you in two years! Yeah, I am claiming it. Not because someone red my palm and said that I will be able to meet the love of my life two years from now but simply because hope lives in my heart.
I don't believe in forever. But I do believe in God. And I know that He will never fail to write the best love story ever for me...for us.
He is a better writer than me that no matter what happens, I just have to put my trust in Him.
Keep safe, Future Love! Mamahalin mo pa ako. 😌
Gusto ko ng dalawang pusa at isang aso.
#igBlogging
#mema
#outofnowhere
#diwawonders
cieloamethyst.blogspot.com

Tuesday, July 19, 2016
Ang Paghihintay
"Dear Future Love"
July 10,2016
Dear Future Love,
Time check: 7:07 am
Kasalukuyan akong naghihintay sa mga co-volunteer ko.
Nandito ako sa Tayuman. Mag-isang nakatayo at matiyagang naghihintay sa kanila.
Sigurado akong darating sila kaya kahit matagal at kahit mainipin ako, naghihintay pa rin ako.
Katulad ng paghihintay ko sa'yo. Matagal oo. Pero siguradong-sigurado ako na darating ka.
Kaya chill lang tayo.
Ingat ka today. Keep safe. Mamahalin mo pa ako forever.
Yours,
Langit
P.s. Andito na sila! :)

Maaari Ngang...
Isinulat ni CieloAmethyst
July 17, 2016
Sa totoo lang ay minahal naman niya ang babae.
Pero kasi napagod siya, natauhan, nangapa, nawalan ng pag-asa, tumigil sa pag-asa.
Pakiramdam niya ay mukhang hindi naman maibabalik ang pagmamahal na ibinuhos niya para dito. Kaya pinili na lamang niya ang humanap ng iba at maging mas masaya na lamang sa piling ng iba.
Sino ba siya para diktahan ang isipan at nararamdaman ng babaeng una niyang minahal?
Masyado itong maligalig sa pagtuklas ng sarili, sa pagmamahal sa sarili, sa paghahanap sa sarili. Kaya naman wala siyang karapatan upang hadlangan ito. Maaaring sa pagkakataon ngayon ay hindi pa handa ang babae na pumasok sa isang relasyon. O baka hindi naman talaga siya nito gusto. O baka may iba itong gusto.
Kahit pa nga ipinakita naman ng babae na interesado din ito sa kanya.
Baka kasi nagsawa lang din ang babae, naguluhan, tumigil na rin sa pagmamahal.
Maraming baka sakali, maraming haka-haka. Maraming bagay ang hindi siya sigurado. Patuloy siyang nangangapa kung ano ba talaga.
Hindi siya naglakas loob para linawin ang lahat. Natatakot kasi siyang marinig ang mga bagay na baka labis lang na makasakit sa kanya kaya mas pinili na lamang niya ang manahimik at patuloy na mangapa sa lahat ng sagot sa mga katanungan niya.
Nagdesisyon na lamang siya basta-basta na tigilan na ang babae. Dahil para sa kanya ay wala rin namang patutunguhan ang lahat.
Masaya naman kasi ang babae kahit wala siya sa eksena at sa buhay nito.
Wala na siyang pakialam sa tunay na niloloob ng babae.
Ang gusto nalang din niya ay sumaya sila pareho kahit pa sa magkahiwalay na landas.
Hanggang doon nalang talaga 'yon.
Sa totoo lang ay may mga pagsisisi rin siya. Pero baka rin kasi hindi lang talaga sila ang nakalaan para sa isa't isa.
Sunday, July 10, 2016
Kapalaran Sa Palad
Dear Future Love
Written by: CieloAmethyst
July 8, 2016
Guess what? Sobrang happy ko today!
Kanina habang nagmemeryenda kami sa mcdo with my officemates, someone approached us and told na marunong daw siya manghula.
He is old, English speaking at ang sabi pa niya marami na rin daw syang nahulaan na ka-work ko. So we tried. I gave him my left palm. Wala lang try lang. Actually, I was a bit scared. Kasi takot talaga ako sa hula. So medyo kinakabahan ako na naeexcite.
Lolo tried to guess first about my past. Pero medyo mali yung details niya.
And then he said that I am gonna meet you somewhere in my 27-28.
Ikaw na daw ang forever ko so I should not let you go.
Ang sabi pa niya, I will be doing good in business when I reach 47-51 years old and because of you.
We will be traveling the world. I so much love traveling!
Two girls daw ang magiging anak natin. Ha-ha.
Sabi pa niya, dapat daw tatlo talaga iyon but I let go of the past love kaya hindi natuloy yung una. I don't know what to think or feel that time.
Basta ineenjoy ko lang yung panghuhula niya.
And masaya naman ako.
At least, hindi naman pala ako magiging old maid. Haha. I still can find you, Future Love.
Medyo nagmamadali na kami kanina bumalik sa office kaya hindi natapos ang panghuhula niya sa akin. But then naitanong ko pa kung kelan kita makilala. And yun nga ang sabi niya, pag 27 na daw ako, we will be acquaintance but the romance will start when I will be 28. Nagbigay pa siya ng hint kung paano kita makilala. And that something I should keep in myself nalang. ;)
Hindi ko maiwasan ang kiligin at sumaya. Kasi nagkaroon ako ng pag-asa na makikilala pa pala kita.
Akala ko kasi noon, baka dumaan ka na at nalampasan mo na pala ako. Tapos hindi ka na ulit magpapakita. Yun pala, hindi pa tayo nagkakabungguang siko.
Excited na ako! You are really worth the wait!
See you soon!
Maaaring hindi magkakatotoo ang hula because everything depends on our hands. Tayo naman kasi talaga ang gumagawa ng sarili nating kapalaran.
But still I will put my faith in it. Mali na kung mali at baka ako lang din ang masaktan o madisappoint when this won't happen but it's okay.
This is my choice. Ang umasa, maniwala, magtiwala at kahit ang masaktan. To believe in my destiny, to believe in you, to believe in our love.
And may God guide us.
Dear Future Love, during this time na sinusulat ko ang blog post na ito, ano kaya ang ginagawa mo?
Are you with someone now? Na akala mo siya na ang forever mo?
Pwes wala kayong forever kasi nandito ako at hindi pa tayo magkasama.
Kung ako naman ang tatanungin mo, single ako ngayon. Matagal-tagal na rin actually.
But I enjoy my life right now. I do all the things I love. Alone but never lonely.
Ako kasi masaya naman ako na mag-isa.
Pero aaminin ko minsan nalulungkot ako kasi wala akong mapagkwentuhan ng mga pangyayari sa buhay ko. I am longing for someone who can talk to me overnight and even through out the day.
Yung makakapalitan ng knowledge and wisdom. Nakakamiss yung may ganung kausap.
Pero basta, hope lives in my heart.
And I will just wait for the right time for us to meet. Sabi nga ni Alma Moreno, dasal lang talaga.
At kapag nagkita at nagkakilala na tayo, I will let you read this. Tapos sabay tayong tatawa, mapapailing at kikiligin. Hindi na kita papakawalan. I wouldn't let my stupid pride and childishness to ruin our love. Kasi genuine yun eh so bakit ko sasayangin.
Sobrang amazing lang talaga ng tadhana. It will really make a way to meet two destined person at the right time, at the right place.
Sana mahalin mo ako.
Noon pa man, hindi na ako nag-set ng mataas na standards para sa taong mamahalin ko.
Ang gusto ko lang naman, kung gaano kita kamahal, ganoon mo rin ako kamahal at sana ay hindi ka magsawang mahalin ako even if I am at my worst na palaging madalas mangyari.
You know, flaws, edges, weaknesses, bad traits, weirdness. Marami ako nun eh.
Sana tanggapin mo pa rin ako ng buong-buo kahit alam ko sa sarili ko na hindi na ako buo kasi ilang beses ko nang naibigay ang puso ko sa mga maling tao. Kaya ayun, sobra siyang nadurog.
But don't worry, by the time I will meet you, all the pieces are already back and pasted into their proper place.
Magiging ready na ulit ako na ibigay lahat.
Kasi ganun naman talaga kapag nagmamahal hindi ba?
Kahit mali na at maging tanga. Na sinasabi pa ng iba diyan na huwag daw ibigay lahat at magtira sa sarili, still, mas nagiging masaya pa rin tayo kapag ibinubuhos natin lahat.
Ganun siguro ako.
Lahat kaya kong ibigay. Kasi wagas ako magmahal.
So paano ba yan? See you soon!
Magpakatino ka ha! Ayoko ng babaero, hindi loyal, sinungaling, ma-pride at mabisyo.
Talking about standards. Hahaha.
I love you, Future Love.
I am really so excited to see you. Kung alam mo lang, this blog post is just one of the few letters I wrote for you.
And I will still continue to write to you. Kahit pa sa mga pagkakataong magkasama na tayo, lagi pa rin kitang susulatan. Maumay ka sa dami ng love letters ko para sa'yo.
You will always be the hero in my every novel. You will be forever my inspiration. Kayo ng pamilyang bubuuin natin.
I want to travel with you soon. Sana mahilig ka rin sa bundok, sa beach, sa food trip, sa books, at sana lahat ng trip ko ay masakyan mo.
Please embrace all my weirdness, passion, dreams, craziness and of course me! I so love warm hugs!
Please hug me soon.
Ngayon pa lang, magpapasalamat na ako for loving me, for sticking with me, for waiting for me, for fighting the love with me.
See you in the future.
Love,
Your Orange Gurl

Tuesday, July 5, 2016
Wanderlost
Nawawalang gala. (#wanderlost)
Name of Place: LUNETA PARK, MANILA, PHILIPPINES
Date: July 2, 2016
Time: 12:30 p.m.
I don't know what came into my mind to take a walk here in the middle of noontime below the scorching sun. Alone.
It's an advantage though because I've got to take more photos that has no photo bomber! 😂
Maybe subconsciously I really wanted to be alone. To think of nothing. To sit under the shade of a tree. To be surrounded by strangers, by passers by, by tourists, by photographers and just by myself.
Didn't care of the heat, just the thought of being alone made it just fine. So fine.
Staring, gazing, looking around, just all the eyes' did the work!
Then when boredom strikes, while taking a long and slow walk, the writer's blood stepped out.
So, hello notepad app!
Sometimes it's really a struggle to write a better one because yours truly wanted her works to have the heart.
Rather than writing to make the readers love it and be impressed about it, she then wrote a "thing" that made her own heart happy and contented. After all, she's the director of her own story.
Hopefully the one she wrote in the middle of nowhere, under the shade of a big umbrella got really some hearty content.
#mema #bloggingonIG #wanderlassy #wanderlust #diwawonders #diwawanders
Sunday, July 3, 2016
Nakakapagod
Isinulat ni: CieloAmethyst
July 3, 2016
6 am
Nakakapagod na.
Parang gusto mo nalang tumigil sa lahat ng bagay na ginagawa mo ngayon.
Parang gusto mo nalang magpakalayo-layo at magtago mula sa lahat ng bagay na nagpapahirap sa'yo.
Sa trabaho, sa sarili mo, sa kanya.
Gusto mo nalang mawala na parang bula.
Nakakalimutan mo na yata kung paano ang maging masaya.
Ang mahalin ang mga bagay na kinagisnan mo nang gawin.
Ang magkaroon ng magandang papanaw sa hinaharap
Ang mapuno ng pag-asa sa bawat paghihirap na pinagdadaanan,
Na balang araw, matatapos din ang lahat.
Nakakapagod rin pala ang maging masaya.
Nakakasawa at minsan ang pinakamabisang pantakas ay malugmok nang mag-isa.
Alam mo namang mali ang ganitong pag-iisip at hindi tayo dapat basta-basta sumusuko.
Pero nakakapagod na kasing talaga lalo pa at pakiramdam mo ay nag-iisa ka nalang.
Ang kawalan ng pag-asa ay para na ring pagiging talo sa laban ng buhay.
Ang pagsuko ay para na ring kawalan ng tiwala sa mga bagay na pinanindigan mo noon. Pero paano mo nga ba lalabanan ang sarili mong emosyon? Kung ito mismo ang lumalamon sa'yo ng buong-buo.
Kanino ka lalapit? Kanino ka magsasabi ng lahat ng pinagdaraanan mo ngayon?
Sa Kanya? Sa mga malalapit mong kaibigan? Sa pamilya? Sa hindi mo kakilala? Sa papel at panulat? O sa makabagong teknolohiya?
Pero maiisip natin na may mga sarili ring pinagdaraanan ang iba at nakikipaglaban rin sila sa sarili nilang mga problema.
Hanggang sa pipiliin mo nalang ang mapag-isa...
Nakakapagod.
Sobra nang nakakapagod.
Nakakapagod nang maging matatag, malakas, masaya.
Nakakapagod na ang lumaban.
Maaaring lahat talaga tayo ay dumadating ang kahinaan natin at nilalamon tayo ng buong-buo.
Na ang tanging magagawa mo nalang ay tumungo sa isang gilid, matulala, lumuha at pauli-ulit na sasabihin sa iyong sarili na, 'Ayoko na. Pagod na ako. Suko na ako.'
Ngunit sa kabila ng lahat ng kasalukuyan mong ipinaglalaban na kalungkutan, may isang katiting na bahagi ng puso mo ang magsasabing, 'Kaya pa! Walang sukuan.'
Pahinga lang ang katapat ng lahat ng ito at pagkatapos ay magpapatuloy kang muli.
Muli kang ngingiti na parang baliw at mapagtatanto mo na napagod ka lang talaga pero tuloy pa rin ang laban ng buhay at ang pagsuko ay hindi dapat isinasaalang-alang na pagpipilian.
Magiging masaya tayo ulit. Tiwala lang.